• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Simula ngayong Nobyembre: DepEd, pinayagan ang 52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning

PINAYAGAN ng Department of Education  (DepEd) ang naging kahilingan ng  52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning methods sa kabila ng naging kautusan ng departamento na pagpapatuloy ng face-to-face classes simula ngayong buwan ng Nobyembre. 
May ilang eskuwelahan kasi ang tumaas ang bilang ng mga estudyante  habang nagkulang naman ang mga silid-aralan.
Hinihintay naman ng  DepEd Central Office ang report mula sa mga rehiyon para  madetermina kung ilan pa ang mga eskuwelahan na magsasagawa ng blended o full distance learning.
“We want to bring the learners back in school but we have to bring them back safely also so that is why under the mandatory DO, we also provided room for exemption depending on the situation,” ayon kay  DepEd spokesperson Atty. Michael Poa.
“As the Vice President and Secretary for Education Sara Duterte has mentioned, we are now studying also the possibility of institutionalizing blended learning. Baka isa po yan sa magiging solution natin sa mga shortages natin ngayon,”  winika pa ni Poa.
Samantala, maaari namang alisin na ng mga estudyante at guro na dumadalo sa face-to-face classes  ang kanilang face masks kahit pa sa loob ng silid-aralan  matapos na ihayag ng DepEd na sumusunod sila sa umiiral na national policy na pinapayagan ang  optional masking indoors at outdoors sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Since this is voluntary, mapapansin din naman natin kahit yung mga bata parang sanay na rin na may masks so ang bilin natin ay magmask pa rin, hindi naman siguro paglabag yun,” ayon kay DepEd NCR director Dr. Wilfredo Cabral. (Daris Jose)
Other News
  • Malaking pondo ang gagastusin sa PVL bubble

    Milyones ang pondong kakailanganin upang matagumpay na maitaguyod ang 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na idaraos sa isang bubble format sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.     Base sa estimate, aabot ng P47 milyon ang ma­ga­gas­tos para tustusan ang mga pangangailangan ng buong delegasyon sa bubble.     Nangunguna na sa […]

  • Susunod na Senate President, dapat mula sa UniTeam – Sen. Marcos

    NANINIWALA si Senator Imee Marcos na ang susunod na Senate President ay mula sa UniTeam o ang grupo ng kanyang kapatid na si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Aniya, kailangan daw ay mayroon talagang maaasahang isang majority na matibay at mayroong solid na 13 na boto mula sa mga senador.     […]

  • 4.4 milyong Pinoy makikinabang sa P106 bilyong 4Ps funds

    HIGIT 4.4 milyong pamilyang Filipino ang makikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon taon.     Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ?106.335 bilyon ang inilaan sa 4Ps na mas malaki kumpara noong 2023 na P102.610 bilyon.     Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng ?750 […]