• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

24.2 toneladang basura nahakot sa mga sementeryo sa Metro Manila nitong Undas

NASA  kabuuang 24.2 toneladang basura ang nahakot sa mga sementeryo sa Metro Manila matapos ang Undas.

 

 

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katumbas ito ng 85.2 cubic meters 0  7 truckloads na mas kumonti kaysa sa mga nakalipas na taon.

 

 

Inihalimbawa ni MMDA supervising officer for operations Bong Nebrija na ang ahensya ay nakapaghakot ng 5.25 toneladang basura mula sa Manila North at South Cemetery, Loyola Memorial Park, Libingan ng mga Bayani, San Juan City Cemetery at Bagbag Cemetery kumpara sa 27 truckloads o 162 tonelada ng basurang nakolekta noong nakaraang taon.

 

 

“This could be attributed to the fact that we were only limited to cleaning outside cemete­ries. There were lesser crowd in cemeteries as well because of the rainy weather,” ani Nebrija sa text sa mga mamahayag.

 

 

Muling binuhay ng MMDA ang kanilang ‘Oplan Undas’ mula Oktubre 27 hanggang ­Nobyembre 2.

 

 

Nasa 2,886 na tauhan na binubuo ng mga traffic enforcer at augmentation team ang idineploy para magsagawa ng clean-up operations sa iba’t ibang pampubliko at pribadong sementeryo sa Metro Manila.

 

 

Nagtayo rin ang MMDA Road Emergency Group ng mga tent na nagsilbing public assistance facility na may naka-standby na mga ambulansya sa Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Loyola Memorial Park sa Marikina City at San Juan Public Cemetery upang agad na tumugon sa anumang emergency.

 

 

Ang mga miyembro ng Reckless Dri­ving Enforcement Team, Anti-Jaywalking Unit at Sidewalk Clearing Operations Group ay ipinadala rin sa mga terminal ng bus sa Araneta, Cubao, EDSA, Pasay-Taft, Sampaloc, Dangwa at Min­danao ­Avenue para pag­handaan ang pagdagsa ng mga pasahero. (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 31, 2021

  • Makakasama sina Gabbi, Sanya at Kylie: SUNSHINE, balik-Kapuso na after ng isang project sa Kapamilya network

    MATAPOS ipaghanda at imbitahan ni Bea Alonzo sa isang merienda-dinner para sa kanilang Aeta neighbors sa Beati Farm sa Iba, Zambales, pinaratangan pa siya ng isang netizen na may Twitter account na @ALOyoutoo.     Inagaw raw niya ang lupa na pag-aari ng mga katutubo at tweet nito, “That’s nice, now how about giving their […]

  • Makabagong usapin sa draft K-10 curriculum base sa “facts”-DepEd

    BASE  sa “facts” ang panukalang isama sa draft ng K-10 curriculum ang  contemporary issues gaya ng West Philippine Sea at human rights.     Sinabi ni Department of Education spokesperson Undersecretary Michael Poa na layon din nito na gabayan ang mga estudyante sa mga konsepto na kanilang naririnig sa balita at kanilang kapaligiran.     […]