• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Rail System ilalagay sa Ortigas corridor; ADB magpapautang ng $1B para sa MRT 4

ITATAYO ang Metro Rail System o MRT 4 sa Ortigas corridor na magdudugtong sa Quezon City papuntang probinsiya ng Rizal na bibigyan ng pondo mula sa Asian Development Bank (ADB) na nagkakahalaga ng $1 billion.

 

 

 

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay handa nang lumagda sa taon ng 2023 ng $1 billion loan mula sa ADB para sa pagtatayo ng Manila Metro Rail Transit Line 4.

 

 

 

“Loan signing is expected next year, by 2023, as it is already part of ADB’s committed loans for next year,” wika ni Chavez.

 

 

 

Sinabi rin niya na ang DOTr ay ginawa ng isang metro rail system ang MRT 4 dahil sa passenger capacity, maintainability at expandability purposes.

 

 

 

Dapat sana ay monorail ang itatayo subalit pinalitan na ito ng metro rail. Ang monorail system ay isang automated operations na mayroong short headways at maximum system capacity na mayroong minimal visual impact upang magkasya sa isang urban environment. Mayroon lamang itong less space para sa operasyon kumpara sa metro rail system.

 

 

 

Ang Spanish multinational na IDOM Consulting, Engineering and Architecture na siyang naatasan na gumawa ng detailed architectural at engineering design ay naghain ng tatlong (3) options na puwedeng gamitin sa pagtatayo ng nasabing rail line.

 

 

 

Ayon sa nasabing design mula sa IDOM, kanilang isinusulong ang paggamit ng monorail, light rail o metro rail design para sa nasabing proyekto.

 

 

 

Ang metro rail ay gagamit ng mas malaking space subalit mayroon itong mas mataas na passenger capacity.

 

 

 

Sa isang pag-aaral ng IDOM, kanilang nalaman na ang ridership demand sa nasabing lugar ay nangangailangan ng isang metro rail system lalo na ito ay magiging isang primary transit ng mga commuters sa pagpunta at pauwi sa probinsiya ng Rizal.

 

 

 

“Further studies showed that upgrading MRT 4 to a metro rail ensures that the government can easily fix and improve the infrastructure given the availability of technical suppliers for such a system. It is for these reasons that the DOTr abandoned the monorail plan and went for the metro rail option,” saad ng IDOM.

 

 

 

Nalaman din ng IDOM matapos na gawin ang due diligience na ang ridership demand ng biyeheng San Juan- Rizal corridor sa may kahabaan ng Ortigas Avenue ay mas mataas kumpara sa ginawang estimate. At upang mabigyan ng kaukulang pansin ang passenger demand, nagdesisyon ang DOTr nai-upgrade sa mas mataas na kapasidad ang MRT trains.

 

 

 

“It is far easier to maintain a standard MRT-type system, as there are more expertise and spare part suppliers of standard MRT-type railways,” dagdagni Chavez.

 

 

 

Inihayag din ni Chavez na may balak ang pamahalaan na pahabain ang MRT 4 sa darating na panahon mula sa ngayon na end point sa Taytay papuntang Binangonan na siyang southernmost municipality ng Rizal. LASACMAR

Other News
  • 2 criminology students kulong sa P120K marijuana

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang criminology student matapos masakote sa buy-bust operation at mahulihan ng higit P.1 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naaresto na sina Sebastine Kyle De Leon, 20, 345 Batasan […]

  • MARIAH CAREY, wala ng tinago sa tell-all book lalo na tungkol sa pamilya

    INSTANT best-seller ang sinulat na memoir ng singer-songwriter na si Mariah Carey na The Meaning of Mariah Carey.   The Diva’s tell-all book was re- leased last September 29 at wala siyang tinago, lalo na tungkol sa kanyang pamilya na bihira niyang ikuwento noon.   “It took me a lifetime to have the courage and […]

  • KIM, nagpaalala na huwag munang lumabas sa pagtaas ng COVID-19 cases; netizens may iba’t-ibang reaction

    NAGPAALALA naman si Kim Chiu na bawal munang lumabas ng bahay sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa omicron variant.     Post ni Kim sa kanyang IG account, “How’s your first week of 2022???     “For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron. I hope and […]