• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaming may pagkakataon na bumigay na at nagkasakit: AIKO, nahihirapang pagsabayin ang pagiging public servant at pag-aartista

KAHIT walang gintong medalyang napanalunan ay hindi naman umuwing luhaan ang Pinoy world champion gymnast na si Carlos Yulo sa katatapos lamang na 2022 Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Liverpool sa England nitong November 6.

 

 

Nakopo ni Carlos ang dalawang medalya at sapat na upang ipagbunyi siya ng buong Pilipinas; nasungkit niya ang Silver Medal para sa Men’s Vault category at Bronze Medal para naman sa Men’s Parallel Bars category sa Apparatus Finals Day 2 ng naturang world championship event.

 

 

Halos hindi nga kami nakatulog gabi ng November 6 ni Jun Esturco, ang managing director ng KG Management na siyang may hawak sa non-sports side ng career ni Carlos (tulad ng mga makukuhang commercials and product endorsements) habang pinapanood namin ng live online ang pakikipaglaban ni Carlos sa mga iba pang world-class athletes na nanggaling pa sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

 

At noong November 7 naman ng umaga, pagkagaling sa after party nila ng mga kapwa niya atleta doon sa Liverpool ay nakapanayam namin si Carlos via Zoom.

 

 

Itinodo raw ni Carlos ang kanyang makakaya sa kumpetisyon.

 

 

“Ang ibinuhos ko po, ten out of te po talaga!

 

 

“Pero ayun po yung kinalabasan, e.

 

 

“Siyempre may pagkukulang din po ako sa praktis, and labanan po talaga ng utak po talaga kasi tuluy-tuloy po yung competitions and medyo napagod na din po yung katawan ko, pati yung pagpo-focus ko siyempre hindi naman po talaga madali yung palaging naka-on yung focus mo, e.

 

 

“Medyo mas mapapagod ka po talaga kapag mentally-drained ka kaysa physically po e,” sinabi sa amin ng Pinoy champion.

 

 

At hindi naman masama na sa pitumpung mga athletes sa buong mundo na nag-compete ay isa si Carlos sa iilang nagkamit ng medalya, and not one, but two!

 

 

Mabuhay ka, Caloy!

 

 

***

 

 

NITONG nakaraang May 2022 elections ay nagwagi si Aiko Melendez bilang konsehal sa 5th District ng Quezon City at ang ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ ang comeback niya sa pag-arte.

 

 

Hindi ba mahirap pagsabayin ang pagiging public servant at pagiging artista?

 

 

“Mahirap! In fact may pagkakataon na bumigay na yung katawan ko talaga, nagkasakit ako!

 

 

“Thank God negative ako, wala akong COVID and sobra lang talagang, over-fatigue lang talaga ako kaya kailangan din ng pahi-pahinga.

 

 

“Mahirap pero kasi kung gugustuhin mo ang isang bagay e may paraan e,” pahayag pa ni Aiko na gumaganap na Lily Chua sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters.’

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • 4 drug suspects huli sa P292K shabu sa Caloocan, Valenzuela

    TINATAYANG halos P.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa […]

  • 2 pasaway sa curfew at no facemask, kulong sa shabu

    Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Richard Doydoran, 20 at Jerome Reyes, 32, […]

  • Eddie Redmayne Answers Call of the Wild in the New ‘Fantastic Beasts’

    OSCAR Best Actor winner Eddie Redmayne returns in the epic fantasy adventure “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore,” the newest adventure in the Wizarding World™ created by J.K. Rowling.     In the film, Professor Albus Dumbledore (Jude Law) knows the powerful Dark wizard Gellert Grindelwald (Mads Mikkelsen) is moving to seize control of the […]