Netizens, tuwang-tuwa at kinakiligan ang photos nila: ZANJOE, parang nag-dyowa reveal sa IG post kasama si RIA
- Published on November 8, 2022
- by @peoplesbalita
KINAKILIGAN at pinusuan ng mga netizens ang latest IG post ni Zanjoe Marudo na kuha sa Japan na kung saan kasama ang mga kaibigan na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia at si Ria Atayde na pinagdududahang karelasyon niya ngayon.
Sa series of photos, makikita nga na magkasama ang dalawa, bukod sa pampa-good vibes na group shots.
Kilig much nga ‘yun magkahawak-kamay sila kasama ang famous rich Japanese soft served ice cream na kinagigiliwang sa Japan.
Kaya reaction ng netizens sa post ni Zanjoe:
“IG OFFICIAL NA SILA. ❤️”
“Woohooo! Dr. Gia and Jude of My Dear Heart❤️❤️❤️”
“Swerte nmn ni R happy for you Z 😍”
“May nanalo na 👏”
“Kahit selos na selos ako😢 pero sobrang bagay kayo❤️😍 happy for you Z😘😘”
“Super bagay R & Z😍😍”
“@ria @onlyzanjoemarudo a kind of love designed from the start. Yung kilig ko. Juskopolord. ❤️❤️❤️ 🔥🔥🔥 😍😍😍”
“🍦 muna to fallow na un 💍kiliggggg 🥰 #Zanri”
“Jowa reveal na c Natoy. Infairness bagay kayo ni @ria. ❤️❤️❤️”
“Zanjoe “tumatapang” Marudo🥰 urghhh ang galing ko sa instinct na meron ngang something sainyo dun palang sa palawan nung bday ni kath HAHAHA labyou five!”
“my ria-zanjoe heart is happy 💗💗💗”
“Sana maging forever na Zanjo and Ria❤️”
Napansin din ng netizens na si Joshua nga lang ang walang ka-partner kaya comment nila…
“Si Jawsua nalang ang walang kapareha @garciajoshuae pwede bang tayo nalang char HAHAHA.”
“@garciajoshuae sorry mahal di ako nkasama. Naging fifth wheel ka tuloy. 😢😂”
Ang ganda nga ng bonding na ito na magkakaibigan, kaya ang wish ng iba na…
“Sana magka movie kayong lahat 😍”
“😍😍😍😍ang sarap ninyong tingnan at panoorin 🤔🤗 pwede kayong gawan Ng movie na Lima na mag kakasama👌🙂”
Paging ABS-CBN and Nathan Studios!!!
***
SA loob ng 10 taon, hindi nga sumabak si Jomari Yllana sa car racing, ngunit sa kanyang pagbabalik sa race tracks noong Nobyembre 5 sa Subic Bay Freeport ay parang siyang isda na bumabalik sa tubig.
Na-hit nga ng 46-year old actor-politician ang podium finish, napagwagian niya ng second runner-up sa Rally Sprint RS Open Category sa katatapos na Paeng Nodalo Memorial Rally.
Ang naturang race ay nagbigay pugay kay Paeng Nodalo, isa sa mga haligi ng motorsports ng bansa, na nasa likod din ng maalamat na Mabuhay Rally noong 1970s.
Sa mga post sa social media, comment ng partner ni Jomari na si Abby Viduya, “Congratulations my Baby!!! You did it again! 🏆So proud of you! You are amazing❤️ I love you baby😘 #podiumfinish#rscategory#proudofyou#rallysprint.”
Ito ang unang pagkakataon na sumali ni Jom sa kategorya ng Rally Sprint RS Open Class na mayroong 26 na kakumpitensya.
Si Jomari ay nagmaneho ng turbo diesel hatch na CRDI, na pinost ni Abby at nagpasalamat, caption niya, “Thank you D1 for keeping my baby safe!”
Nagpasalamat siya sa kanyang navigator na si Jeremie Lo, na magiliw niyang tinawag na J-Lo. Dine-dedicate din niya ang kanyang panalo sa dalawang nasawing kasama na sina Ed del Rosario at Boy Ochoa.
“I joined the race just to have fun. I missed the sport, I like the adrenaline rush that it provides, especially when one hits podium finish,” sabi ni Jomari.
Dahil napatunayang fit para siya sa pangangarera, looking forward siya to racing internationally.
“I think I’m good for another five years.”
Tinitingnan niya ang pagpasok sa mga karera sa United States, United Kingdom, at Spain.
Ang angkan ng Yllana ay nagmula sa Majorca.
Kinilala ni Jomari na ang pagdating ng kanyang anak na si Andre Yllana, na mahilig din sa karera, ay nagbigay inspirasyon para i-push ang kanyang sarili sa mga limitasyon.
Si Jomari, kasalukuyang three-term councilor sa Paranaque City, ang kauna-unahang Filipino na nakakuha ng podium finish sa Yeongam International F-1 circuit sa South Korea noong 2014.
Siya ay isa sa tatlong nangungunang nanalo sa Super Race Round 8 Championship, Accent Isang kategorya na nagtipon ng mga nangungunang racer mula sa buong mundo. Ang kanyang racing team na Yllana GTR din ang unang Filipino racing team na nanalo sa nasabing event.
(ROHN ROMULO)
-
Fernando at BPPO, nilinaw ang mga maling impormasyon kasunod ng mga naiulat na kaso ng mga nawawalang kabataang babae sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Nilinaw ni Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang Bulacan Police Provincial Office (BPPO) ang mga maling impormasyon at ulat na kumakalat sa social media platforms hinggil sa magkakasunod na napaulat na kaso ng mga nawawalang dalagang nasa edad 13 hanggang 25 sa Lalawigan ng Bulacan. Sa isang press conference […]
-
RUFA MAE, proud na pinost at ‘di makapaniwalang magiging cover ng Hollywood magazine
BONGGA ang pasabog na IG post ni Rufa Mae Quinto-Magallanes dahil iko-cover siya ng Showbiz Hollywood na kung saan mga bulaklak lang ang saplot sa kanyang sexy body na ikinatuwa ng kanyang followers at showbiz friends. Caption ni Rufa Mae, “Pasabog for the week! I had the pleasure of shooting with one of […]
-
Kiefer ‘di pinayagan ng PBA
Hindi masisilayan si Kiefer Ravena suot ang Shiga Lakestars sa Japan B.League. Ito ay matapos magdesisyon ang PBA Board of Governors na huwag pahintulutan si Ravena na makapaglaro sa Japanese league. Nais ng PBA na sundin ni Ravena ang nakasaad sa kontrata nito sa NLEX Road Warriors. “The PBA […]