CSB, JRU riot sa NCAA
- Published on November 10, 2022
- by @peoplesbalita
NAUWI sa rambulan ang laban ng College of Saint Benilde at Jose Rizal University dahilan upang ipatigil ito ng pamunuan ng liga kahapon sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Lamang ang Blazers sa iskor na 71-51.
Kaya naman idineklarang panalo ang Benilde para makuha nito ang ika-10 panalo sa 13 pagsalang.
Nag-ugat ang lahat nang suntukin ni Heavy Bombers cager John Amores ang tatlong players ng Blazers na sina Jimboy Pasturan, Taine Davis at Mark Sangco, may 3:22 pang nalalabi sa ikaapat na kanto.
Kaya naman nagdesisyon na ang NCAA Management Committee na itigil na lamang ang laro para hindi na lumala pa ang kaguluhan at para na rin sa kaligtasan ng mga players, coaches at audience.
Sinang-ayunan ang desisyon nina JRU athletic director Paul Supan at CSB athletic director Dax Castellano.
Nakatakdang magsagawa ang NCAA ManCom ng imbestigasyon upang malaman ang tunay na dahilan ng kaguluhan.
Inaasahang may mapapatawan ng parusa sa oras na matapos ang imbestigasyon.
Dahil dito, bumagsak sa 6-7 ang rekord ang Heavy Bombers.
Nanguna para sa Benilde si Pasturan na kumana ng 18 puntos habang nakalikom naman si Will Gozum ng double double na 15 points at 10 rebounds.
Sa unang laro, ginulantang ng Emilio Aguinaldo College ang University of Perpetual Help System Dalta, 59-53 panalo para masikwat ang kanilang ikalawang panalo.
-
Pondo sa Tokyo Olympics puwede pang itaas – PSC
PUWEDE pang itaas ng Philippine Sports Commission ang pondo ng Team Pilipinas para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inantras ng pandemya sa parating na Huly 23-Agosto 8 sakaling may madagdag pa sa 10 mga atleta. Ipinahayag ito Miyerkoles ni Philippine Sports Commissiion Chairman William ‘Butch’ Ramirez pagkalipas na […]
-
Phil. Football Federatpom iniurong ang pagbubukas ng 2021 season
Nagdesisyon ang Philippine Football League (PFL) na buksan ang 2021 season sa Hulyo 17. Unang itinakda ang nasabing pagbubukas ng season mula Abril hanggang Mayo 2021 sa pamamagitan ng bubble format. Sinabi ni PFF president Mariano Araneta Jr na dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay minabuti nilang kanselahin ang Copa […]
-
DOH: ‘Arcturus’ cases sa bansa nadagdagan ng 3; local transmission mukhang posible
NADAGDAGAN pa ng tatlong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus ang nakita sa Pilipinas — ito ipinagpapalagay ng Department of Health na meron na nitong “local transmission” sa bansa. Lumalabas sa pinakabagong COVID-19 biosuriellance report mula ika-26 ng Abril hanggang ika-6 ng Mayo na nanggaling sa Western Visayas ang mga […]