DOH: ‘Arcturus’ cases sa bansa nadagdagan ng 3; local transmission mukhang posible
- Published on May 13, 2023
- by @peoplesbalita
NADAGDAGAN pa ng tatlong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus ang nakita sa Pilipinas — ito ipinagpapalagay ng Department of Health na meron na nitong “local transmission” sa bansa.
Lumalabas sa pinakabagong COVID-19 biosuriellance report mula ika-26 ng Abril hanggang ika-6 ng Mayo na nanggaling sa Western Visayas ang mga nabanggit.
Kaugnay nito, na-detect din ang 197 pang bagong kaso ng Omicron subvariants.
Naitala ang unang kaso ng Arturus sa bansa mula sa probinsya ng Iloilo, bagay na magaling na sa ngayon.
Una nang sinabi ng World Health Organization na bagama’t maaaring kumalat nang husto ang Arcturus sa iba’t ibang bahagi ng daigdig dahil sa estimated growth advantage nito at abilidad na matakasan ang immune system. Sa kabila niyan, wala pa anumang sinyales na mas malala ang sintomas nito.
Abril lang nang ideklara ito bilang “variant of interest” ng WHO matapos ang tuloy-tuloy nitong pagkalat.
“With regard to the Arcturus cases, it is likely that XBB.1.16 is in local transmission since there is an increasing number of cases of the variant with no linkages to international cases or no known history of exposure,” sabi ng DOH sa hiwalay na pahayag.
“With that, the DOH reiterates that COVID-19 is here to stay and we must continue to learn and live with the virus. Hence, certain measures and protocols must be in place to help mitigate virus transmission and mutation.”
Patuloy na nagpapakita ng pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakaraang linggo matapos makapagtala ng halos 1,533 kaso kada araw simula pa ika-10 ng Mayo, bagay na 75% na pagtaas mula noong nakaraang linggo.
Halos kapareho daw ito ng mga naiulat na kaso noong ika-11 ng Hulyo 2022 kung kailan may 1,507 arawang kaso.
Sa kabila nito, pinakalma naman ng DOH ang publiko at sinabing karaniwang “mild” pa rin ang sintomas ng Arcturus. Ineengganyo pa rin ng kagawaran ang lahat ng kumuha ng COVID-19 at magpa-booster shots bilang pinakaepektibong pananggalang sa sakit.
“In general, COVID-19 exhibits flu-like symptoms such as fever, cough, fatigue, loss of taste or smell, sore throat, headache, body pain, diarrhea – among others,” sabi ng DOH.
“Even so, with that, the DOH further reminds the public to continue applying our layers of protection such as wearing of masks, isolating when manifesting symptoms, and ensuring good airflow to remain protected against the virus.”
Umabot na sa 4.1 milyon ang tinatamaan ng COVId-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa bilang ‘yan, aktibong infections pa ang 13,964. Sa kasamaang palad, patay na ang 66,453 sa kanila.
-
Greece at NBA superstar Antetokounmpo tanggal na sa European championship
MINALAS ang bansang Greece at ang dating two-time NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo matapos na masilat ng Germany sa nagpapatuloy na EuroBasket sa score na 107-96. Sinamantala ng Germany ang kanilang homecourt advantage upang umusad sa semifinals at gumanda pa ang tiyansa na magkampeon muli. Si Giannis naman ay nasayang […]
-
Pinas, handa kay Mawar
NAKAHANDA ang gobyerno sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar sa oras na pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naghahanda ang pamahalaan para sa posibleng epekto ng bagyo sa hilagang bahagi ng bansa at maging sa iba pang lugar. “Pinaghahandaan din […]
-
70% ng PH COVID-19 cases gumaling
Gumagana ng maayos ang healthcare system ng bansa, patunay na rito ang umanoy pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa coronavirus disease ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Policy Against COVID-19. Ipinagmalaki ni Galvez ang datos noong Setyembre 2 na nagpapakita na 158,610 o 70 porsyento ng kabuuang pasyente sa COVID-19 […]