• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa kanyang 25 years sa showbiz: ALLEN, ‘di pa nakakasama sina VILMA, MARICEL at SHARON

NAKAKALOKA si Allen Dizon!

 

 

Isa kasi siyang car collector at siya mismo ang nagkuwento sa amin na meron siyang mahigit tatlumpo, yes, tatlumpung kotse!

 

 

Lahat ng mga kotse niya ay nasa garahe niya sa bahay niya sa Pampanga.

 

 

Bukod dito ay may dalawang restaurant si Allen na nasa NLEX, ang dati pa niyang pag-aari na franchise ng Kenny Rogers Roasters at ang kabubukas lamang na Gerry’s Grill.

 

 

Nakakatuwa ring malaman na sa loob ng halos tatlong taon ng pandemya, kahit humina ang Kenny Rogers niya ay hindi ito isinara ni Allen dahil naaawa raw siya sa mga tauhan niya na mawawalan ng trabaho.

 

 

Kaya naman sa ngayon na medyo maluwag na ang mga restrictions sa COVID pandemic ay masaya si Allen dahil muling lumakas ang mga negosyo.

 

 

Well, sa twenty-five years naman ni Allen sa showbiz ay hindi katakataka na bongga ang kanyang mga naging investments.

 

 

Sa ngayon ay lima ang bagong pelikula ni Allen na hindi pa naipapalabas, ang ‘Ligalig’ with Nora Aunor and Snooky Serna, ‘Oras De Peligro’, ‘Walker’, ‘Abenida’ at ‘Pamilya Sa Dilim’.

 

 

Sa buong career niya ay nakagawa na siya ng mahigit isandaang pelikula at nanalo na ng forty-eight acting awards dito at sa ibang bansa.

 

 

Tatlong aktres ang hindi pa nakakasama ni Allen sa pelikula; sina Vilma Santos, Maricel Soriano at si Sharon Cuneta na “nanay-nanayan” ng entertainment editor nitong People’s Balita na si Rohn Romulo.

 

 

***

 

 

SA recent face-to-face interview namin kay Jeric Gonzales, kinumusta namin sa binata ang ex-girlfriend niyang si Rabiya Mateo.

 

 

“We’re good friends and never naman kaming nag-close ng doors sa isa’t-isa.

 

 

“Of course priority namin yung work, yung career pero hindi namin nakakalimutan siyempre yung, of course naging kami and siyempre may possibility pa rin na in the future, puwede pa…”

 

 

Na magkakabalikan sila, may chance?

 

 

“May chance, may chance,” ang nakangiting sinabi ni Jeric.

 

 

Ano ba ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Rabiya?

 

 

Natawa muna si Jeric bago sumagot…

 

 

“Ang pinaghiwalayan namin, siguro misunderstanding lang, siguro yung priorities naming pareho sa work, sa career, sa life.”

 

 

Pero walang third party?

 

 

“Wala naman. Kaya naghiwalay kami ng maayos and hindi kami bitter sa isa’t-isa, kaya pag nagkikita kami hindi kami nag-iiwasan, hindi awkward,” nakangiting sinabi pa asa amin ni Jeric.

 

 

Sa career nila ay parehong abala ang dalawang Sparkle artists; may Start-Up PH si Jeric at si Rabiya nasa TiktoClock ng GMA.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads October 10, 2020

  • SANYA, masuwerteng napili bilang kapalit ni MARIAN

    SI Sanya Lopez nga ang napili ng GMA Network bilang kapalit ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, after nitong tanggihan ang teleseryeng First Yaya na pagtatambal sana nila ni Gabby Concepcion.   Dahil sa pandemya, wala ngang nagawa si Marian kundi mag-beg off na lang ang serye na aminadong gustung-gusto niyang gawin.   Pero dahil […]

  • Herd immunity sa Metro Manila, kayang makuha kapag umabot na sa 5 milyon ang nabakunahan

    KAILANGANG umabot sa limang milyong mga bakunadong taga- Metro Manila para makuha ang inaasam – asam na herd immunity sa NCR.   Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez na base sa kanilang pag- uusap nina MMDA Chairman Benhur Abalos ay nakikita nilang magkakaroon na ng containment sa NCR kapag naabot ang 5 million individual […]