• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SANYA, masuwerteng napili bilang kapalit ni MARIAN

SI Sanya Lopez nga ang napili ng GMA Network bilang kapalit ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, after nitong tanggihan ang teleseryeng First Yaya na pagtatambal sana nila ni Gabby Concepcion.

 

Dahil sa pandemya, wala ngang nagawa si Marian kundi mag-beg off na lang ang serye na aminadong gustung-gusto niyang gawin.

 

Pero dahil nga kina Zia at Ziggy, mas pinili talaga niya na ‘wag munang bumalik sa paggawa ng teleserye para na rin sa safety ng pamilya nila ni Dingdong Dantes.

 

For sure, may iba pang aktres na pinagpilian, pero napakasuwerte ni Sanya na siya ang napili ng Kapuso Network at naganap ang big announcement noong Lunes sa 24 Oras at dahil sa kaganapang ito mas tataas na ang level niya bilang Kapuso actress.

 

Una ngang nai-launch si Sanya sa Encantadia bilang Sang’gre Danaya na kung saan nakasama niya si Marian na gumanap na Ynang Reyna Minea.

 

Sa apat na Sang’gre na napili si Sanya talaga ang pinakabago at inintriga pa kung karapat- dapat ba ito sa role.

 

Mukhang hindi naman nagkamali ang GMA, dahil napatunayan ni Sanya ang husay niya sa pag-arte pati na rin kaseksihan na puwedeng ihanay kay Marian.

 

Sa katunayan siya ang napili ng San Miguel Corp. para maging 2020 Ginebra San Miguel calendar girl.

 

Excited at kinakabahan na si Sanya na maging bagong leading lady ni Gabby na gaganap na Vice President at magiging President ng Pilipinas at siya nga ang gaganap na ‘yaya’ para sa mga anak ng presidente.

 

Tampok din sa serye sina Pancho Magno, Cassy Legaspi at Ms. Pilar Pilapil. Ang First Yaya ay sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos. (ROHN ROMULO)

Other News
  • LGUs inatasan ng DILG na huwag inanunsyo nang advance ang COVID-19 vaccine brands

    Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipagbibigay alam sa mga indibidwal na magpapaturok ng COVID-19 vaccines ang brand na available sa vaccination sites.     Sinabi ito ni DILG Secretary Eduardo Año kahit pa inatasan na nila ang mga local government units na huwag magsasagawa ng advance announcements sa kung […]

  • Ads March 18, 2021

  • PDu30, ipinag-utos sa mga gov’t agencies na gamitin ang quick response funds

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang kanilang quick response funds (QRF) para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Odette.   Sinabi ni Senator Bong Go na nag-request din ang Pangulo ng karagdagang pondo para sa mga government offices na humahawak ng disaster response upang kaagad na maibalik […]