• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIGIT 100 PAMILYA APEKTADO NG DEMOLISYON SA TONDO

ITINULOY pa din ang pagdemolish sa kabila ng kahilingan ng Office of the City Legal Office sa Maynila na ipagpaliban ang pagpapagiba sa higit 60 istraktura na nakatirik sa pagmamay-ari ng isang pribadong kumpanya, makaraang basbasan ng kinatawan ng City Engineering Office sa Tondo.

 

 

Ayon kay Engr. Ed Balayan, building inspector, binigyan nila ng basbas na ipademolish ang nasa higit 300 sq/m na lupain na kinatitirikan ng mga bahay ng nasa 100 pamilya na matatagpuan sa kanto ng Coral at Juan Luna Sts. dahil walang maipakitang Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Supreme Court (SC) ang Tondo Central Neighborhood Association, Inc.

 

 

Nilagdaan ni City Legal Officer Veronica N. Lladoc ang nasabing kasunduan kung saan dapat kanselahin o ipagpaliban ang demolisyon sa lugar na pag-aari ng Meridian Cargo Forwarders, Inc. dahil sa nakabinbing petisyon for review sa Korte Suprema.

 

 

Dahil dito walang nagawa ang mga residente kaya nakiusap na lamang sila na bigyan sila ng sapat na oras upang makapag-alsa balutan at mailipat ang kanilang mga gamit bago gibain ang kanilang tinutuluyang bahay.

 

 

Nabatid din kay Balayan na noong Nob. 2 pa dapat nakatakdang ipagiba ang naturang residential area na sakop ng Barangay 59.

 

 

Samantala, may mga nakaantabay namang mga tauhan ng DSWD, Housing and Urban Development at iba pa upang umalalay sa mga apektadong residente kung saan inilista ang bawat pamilya upang mabigyan ng kahit konting tulong pinansyal.  (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads June 19, 2024

  • Jay Sonza, kinasuhan ni Julia Barreto ng Cyber Libel sa NBI

    SINAMPAHAN kahapon ng kasong paglabag sa Cybercrime case ng aktres na si Julia Barreto , ang dating broadcaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation(NBI),kahapon ng tanghali kaugnay sa pahayag nito na siya ay buntis at ang ama ay si Gerald Anderson.   “Andami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na rin […]

  • PNP nakaalerto kahit ibaba sa alert level 3 ang Metro Manila

    Hindi pa rin magluluwag ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang trabaho at pagpapatupad sa mga ipinagbabawal sakaling maibaba na ang alert level sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, na kung magbabago na ang alert level sa Kalakhang Maynila mula sa kasalukuyang Alert Level 4 pababa sa […]