• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jay Sonza, kinasuhan ni Julia Barreto ng Cyber Libel sa NBI

SINAMPAHAN kahapon ng kasong paglabag sa Cybercrime case ng aktres na si Julia Barreto , ang dating broadcaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation(NBI),kahapon ng tanghali kaugnay sa pahayag nito na siya ay buntis at ang ama ay si Gerald Anderson.

 

“Andami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na rin pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputationnko, ang pangalan ko.I think, i just want to show people na hindi ko na pinapalampas yung mga bagay na ganito,”ayon kay Julia.

 

Kasama ni Julia na nagreklamo sa NBI-Cybercrime Division,ang kanyang ina na si Marjorie Barreto para imbestigahan ang walang katotohanan at iresponsableng pahayag ni Sonza sa kanyang social media account.

 

“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family. I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact,” dagdag pa ni Barreto.

 

Sinabi ni Julia na gusro niyang turuan ng leksiyon si Sonza.

 

Una nang ipinos ni Sonza na si Julia ay nagdadalang tao at ang ama ay si Anderson na kanng mga kapit bahay.

 

“Dito muna tayo sa mga balitang may katotohanan, may pag-iibigan, may pinagsaluhang nakakapanginig ng laman at higit sa lahat, nagbunga.

 

“Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila bago. After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) – may nabuo sa sinapupunan ni Julia.

 

Gayunman, muling nag post noong Miyerkoles si Sonza ang kanyang naging pahayag at binawi rin nito ang kanyang masayang pagbati kay Julia at Anderson.

 

“Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati. Happy & excited kasi ako kappa may nabibiyayan ng Buhay.

 

Pasensya na kung napaaga ang aking Congratulations,” pagbawi ni Sonza sa kanyang pahayag. (Ara Romero)

Other News
  • PBBM, nakikitang mas yayabong pa ang ugnayan sa pagitan ng Pinas at Singapore

    NAKIKITA ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  ang pagganda at pagbuti ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.     Ang Singapore kasi ang itinuturing na  “largest source of foreign investments” sa bansa.     Sa isang roundtable discussion kasama ang mga  Singaporean business leaders, kumpiyansang inihayag ni Pangulong Marcos na maliwanag ang hinaharap para […]

  • Ads September 14, 2023

  • Pinas, malapit na sa rice self-sufficiency sa loob ng 2 taon kung ikakasa ang ‘major reorganization’- PBBM

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit na ang bansa sa rice self-sufficiency sa loob ng dalawang taon kung ipatutupad ng gobyerno ang  “major reorganization” sa ahensiya nito.     Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at  National Irrigation Administration (NIA) sa […]