• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA WANTED NA DAYUHAN, IPAPA-DEPORT

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng apat na dayuhan na wanted ng awtoridad dahil sa kasong kanilang kinakaharap sa kanilang bansa.

 

 

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, na ang apat na dayuhan ay nakatakdang ipa-deport pabalik sa kanilang bansa at inilagay na rin sila sa blacklist para hindi na makabalik sa bansa na inaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Pampanga, Catanduanes at Metro Manila.

 

 

Kabilang sa mga inaresto ay dalawang Koreans, isang American at Dutch national  na pawang nakadetine na sa detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

 

 

Si  Kim Won, 34, isang Korean national ay inaresto sa Clark Pampanga, na may warrant of arrest mula sa Dongbu district court sa Seoul na nahaharap sa telecommunications fraud.

 

 

Naaresto naman sa loob ng kanyang condominium unit sa  Taguig City si Kim Girok, 29, isang Korean national na may warrant of arrest mula sa Daegu district court  dahil sa pagmamantine ng prostitution racket at human trafficking scheme sa pamagitan Internet.

 

 

Sa Virac Catanduanes naman naaresto ang  Dutch national na si  Jan Cornelis Stuurman,  71 dahil sa pagiging overstaying at pinaghihinalaang siang pedopilya.

 

 

Nahaharap naman sa Fraud at laundering money instrument sa kanilang bansa  si  Steven Vernon Cross, 51, isang American national.

 

 

Bukod dito, nahatulan din si  Cross sa korte sa Kent County, Michigan dahil sa pang-aabuso sa isang bata.

 

 

Ang apat ay kabilang sa 130 na mga wanted na dayuhan na naaresto ng BI’s FSU mula January hanggang October ng taon kasalukuyan.

 

 

“They are undesirable aliens whose continued presence here poses a serious threat to public interest,” ayon kay Tansingco.  “Hence they were arrested and will be immediately deported as undesirable aliens,” dagdag pa nito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ads June 4, 2024

  • DINGDONG at BIANCA, muling mapapanood sa Holy Week special ng ‘Magpakailanman’

    MULING mapapanood ang natatanging pagganap nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actress Bianca Umali sa Holy Week special ng Magpakailanman (#MPK) ngayong Maundy Thursday (April 1) at Good Friday (April 2).       Balikan ang napapanahong kuwento ni Boy Bonus (Dingdong), isang reformed criminal sa episode na pinamagatang “Ang Kriminal na Binuhay […]

  • Layong i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan nng DND at UP, reasonable proposal- Sec. Roque

    ITINUTURING ng Malakanyang na “reasonable proposal” ang paghahain ng batas na naglalayong i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at ng University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa presensiya ng mga sundalo at pulis sa nasabing campus.   “We’ve always respected the prerogative of our legislators to legislate national policies. Sa […]