Layong i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan nng DND at UP, reasonable proposal- Sec. Roque
- Published on January 26, 2021
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ng Malakanyang na “reasonable proposal” ang paghahain ng batas na naglalayong i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at ng University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa presensiya ng mga sundalo at pulis sa nasabing campus.
“We’ve always respected the prerogative of our legislators to legislate national policies. Sa akin po, that seems to be a reasonable proposal but that has to be enacted po into law,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang UP alumnus, at dating professor ng UP.
Sa ulat, isang panukalang batas ang inihain sa Senado na layong amyendahan ang republic act 9500 o ang University of the Philippines (UP) charter para maisama na ang mga probisyon sa 1989 deal ng UP at ng Department of National Defense (DND).
Matatandaang sa ilalim ng naturang kasunduan ay hindi maaaring pumasok ang mga pulis at militar sa loob ng UP campus.
Sina Senador Joel Villanueva, Sonny Angara, Sendora Nancy Binay at Grace Poe ang nagsulong ng senate bill 2002.
Ayon kay Villanueva, sa panukalang ito ay nakapaloob ang ilang mekanismo para matiyak na hindi magiging hadlang ang naturang kasunduan sa pagpapatupad ng ating mga batas kabilang na dito ang pagpapaalam sa mga kinauukulan ng UP lalo na kung may lehitimong operasyon ang ating mga mga kapulisan o militar.
Nabatid na miyembro ng UP board of regeants si Villanueva habang sina Angara, Binay at Poe naman ay nag-aral rin sa naturang unibersidad.
Samantala, nag-alok naman si Sec. Roque na pumagitna kina Defense Secretary Delfin Lorenzana at UP president Danilo Concepcion para pag-usapan ang isyu.
Iyon nga lamang, tanging si Lorenzana lamang ang tumanggap ng kanyang alok na pag-usapan ang naturang isyu. (Daris Jose)
-
DSWD, bigong maipamahagi ang P1.9-B SAP subsidy – COA report
AABOT umano sa 1.9 billion ang halaga ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy ang bigong maipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga benepisaryo ng naturang ayuda base sa latest report mula sa Commission on Audit (COA). Sa 2021 annual audit report ng COA sa DSWD, nakasaad na ang […]
-
ISANG OFFSHORE GAMING, TINANGGALAN NG LISENSYA NG PAGCOR
DAHIL sa maling pamamalakad sa offshore gaming sites, tinanggalan ng provisional accreditation ang isang offshore gaming hub, ayon sa Philippine Gaming Corporation o PAGCOR. Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang […]
-
2 U-turn slots sa EDSA muling binuksan
Muling binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang (2) U-turn slots sa EDSA sa Quezon City matapos na udyokan ng mga lawmakers at ng pamahalaang lungsod ng Quezon City. Ang nasabing U-turn slots ay ang nasa tapat ng Quezon City Academy at ang malapit sa Darrio Bridge sa Balintawak upang magamit ng […]