May aklat na si Diaz
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
PINABATID ng Rio de Janeiro, Brazil 31st Summer Olympic Games 2016 women’s weightlifting silver medalist na si Hidilyn Diaz ang nakatakdang paglabas ng kanyang aklat na may pamagat na “Ginto’t Pilak” hinggil sa sariling talambuhay.
Ginawa ng 29 na taong gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga City ang anunsiyo sa kanyang Instagram (@hidilyndiaz) post nitong Linggo, Nobyembre 29.
Ayon sa Rome World Cup 2020/Indonesia 18th Asian Games 2018 gold medalists at Philippine Weightlifting Association , Inc. (PWAI) No. 1 hoister, inaalay niya sa mga kabataan ang kanyang libro.
At sigurado ring makapagbibigay ng inspirasyon at motibasyon sa lahat ito upang maabot ang mga pangarap ng bawat isa sa buhay o sinumang makakabasa ng kabuuan tungkol sa buhay niya bago naating ang pagiging bayani sa sports, o mahusay na atleta at sundalo.
“Ginto’t Pilak is a book about the story of my life,” caption ng Chavacano lifter. “Its a book of inspiration, a story of a young girl who started weightlifting by curiosity and after 16 years she brought home the silver medal in Rio de Janeiro Olympics for Philippines.”
Lumipat na sa Malacca ang 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 gold winner na si Diaz tapos matengga noon pang Marso sa Kuala Lumpur, Malaysia nang pumutok ang lockdown dahil sa Covid-19.
Patuloy ang kanyang training camp kasama ang Chinese coach, Guaminian therapist sa misyong mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2021 bunsod ng pandemic.
Wala pa man akong ideya sa aklat, naniniwala ang O-D na mabuting mabasa ng mga bata ang pinagdaanang hirap ni Hidilyn bago niya narating ang rurok ng tagumpay. Sana gawin itong supplementary reading materials ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd). (REC)
-
MOTOR SUMEMPLANG, SEKYU DEDBOL SA VAN
ISANG 51-anyos na security guard ang nasawi matapos aksidenteng magulungan ng isang van makaraang sumemplang ang kanyang sinasakyang motorsiklo dahil sa madulas na kalsada sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Vicente […]
-
TRB ‘di muna maniningil ng penalty sa mga walang RFID
SINIGURO ng Toll Regulatory Board (TRB) na hindi sila maniningil ng penalty sa mga hindi susunod sa paglalagay ng Radio Frequency Identification (RFID) sa kanilang mga sasakyan. Pahayag ito ng TRB sa kabila nang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sisimulan na sa Enero ang paniningil ng multa sa mga sasakyang walang […]
-
Prinsipyo ang usapan at ‘di pera: VIC, umaming sanay na ang TVJ na halos ‘di kumikita
MASAYA ang pagpapakilala ni Vic Sotto at ng kanyang M-Zet Productions sa cast ng bago nilang sitcom na “Open 24/7” sa media conference nito last Monday, May 8. Ito ang papalit sa katatapos na sitcom nila sa GMA Network, of more than four years, ang “Daddy’s Gurl.” Sa “Open 24/7” Vic […]