• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inuman nauwi sa madugo, 1 dedo

NAUWI sa madugo ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang trabahador nang humantong sa patayan ang pag-aaway ng dalawa niyang bisitang kapuwa kasamahan sa trabaho sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak sa leeg, ulo at mukha ang biktimang si Arnel Dante, 44, habang nadakip naman ng mga barangay tanod sa tulong ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 9 ang suspek na si Jeffrey Boco, 35, welder, at kapwa stay-in sa Agree Development Inc. sa 25 A. Mabini St. Karuhatan.

 

 

Sa report nina P/EMSgt. Felix Viernes at P/MSgt. Julio Fernando kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, masayang nag-iinuman ang mga trahabador ng Agree Development sa loob ng naturang kompanya dahil kaarawan ng isa sa kanilang ka-trabaho nang komprontahin ng suspek ang biktima matapos ang kasiyahan alas-10:30 ng gabi na nauwi sa kanilang pagsusuntukan.

 

 

Naawat naman ng kanilang mga kasamahan sa trabaho ang dalawa kaya nagpasiya na ang suspek na pumasok sa kanilang barracks upang magpahinga subalit, sumunod sa kanya ang biktima hanggang sa marinig na lamang ng kanilang foreman na si Safronio Aghoy, Jr. 54 at welder ding Januar Castillo, 48, ang nangyayaring gulo sa loob ng barracks.

 

 

Kaagad pumasok sa barracks ang dalawa at dito nila nadatnan ang duguan at nakabulagtang si Dante na may tama ng saksak sa ulo, leeg at mukha na naging dahilan upang humingi na sila ng tulong sa mga nagrorondang barangay tanod.

 

 

Nakuha ng mga tauhan ng SOCO sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang malaking bahagi ng basag na baso na may bahid ng dugo na posibleng ginamit ng suspek sa pananaksak sa biktima.

 

 

Ani PLt. Robin Santos, hepe ng Station Investigation Unit (SIU), mahaharap ang suspek sa kasong Homicide. (Richard Mesa)

Other News
  • Petecio, Paalam swak sa Summer Olympic Games

    TUMAAS na sa anim ang mga magiging pambato ng bansa para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ginambala ng Covid-19 kaya naurong sa parating na Huly 23-Agosto 8 sa pagkakapasok na rin nina women’s featherweight Nesthy Petecio at men’s flyweight Carlo Paalam bunsod sa mataas na world rankings.     Ipinaaalam […]

  • 12 provincial bus routes binuksan

    BINUKSAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 provincial bus routes makaraan ang anim na buwan na nakalipas simula ng magkaron ng COVID-19 outbreak upang muling makakapasok ng Metro Manila ang mga provincial buses.   Simula September 30, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbubukas ng 12 provincial bus […]

  • Successful and first back-to-back Canada tour… Supporters ng Sparkle loveteams, ‘di binigo dahil sa all-out performances

    HUGE success ang first back-to-back Canada tour ng Sparkle artists noong nakaraang April 5 and 7. Pinakita ng Global Pinoys ang kanilang mainit at umaapaw na pagmamahal at suporta sa Sparkle’s best na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Barbie Forteza at David Licauco, at Bianca Umali at Ruru Madrid. Matapos ang successful first […]