‘Pinas mag-aangkat ng 25,000 MT isda mula dayuhan hanggang Enero 2023
- Published on November 14, 2022
- by @peoplesbalita
KAHIT arkipelago ang Pilipinas at napapalibutan ng mga dagat, nakatakda na naman itong mag-angkat ng sanlaksang mga isda galing sa ibang bansa dahil sa ipatutupad na “closed fishing season.”
Ito ang sinabi ng special order 1002 na nilagdaan ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban nitong Huwebes.
“Dismayado kami na hindi pa rin natitigil ang importasyon ng isda sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.,” wika ng militanteng grupo ng mangingisda na PAMALAKAYA sa isang pahayag.
“Nananatili ang aming posisyon ng pagtutol sa importasyon ng isda, lalo na ang ganitong kalaking volume. Tulad ng dati, lalong babagsak ang farm gate price ng galunggong dahil sa pagbaha ng mga imported sa pamilihan.”
Aniya, hindi nasosolusyonan ng pag-aangat ang tumataas na presyo sa pamilihan dahil kontrolado ng mga komersyante ang presyo ng isda.
Napapanahon din daw na itigil ng Pilipinas ang pagsandig sa importasyon lalo na’t bagsak na bagsak ang halaga ng piso kontra dolyar (P58.19 = $1), ayon sa pinakabagong tala ang Bankers Association of the Philippines ngayong araw.
“Dahil tiyak na sisirit din ang halaga ng mga inaangkat na produkto, kabilang ang isda,” sabi pa ng PAMALAKAYA.
“Tututulan namin ito at patuloy na igigiit sa kasalukuyang administrasyon na palakasin ang sektor ng pangisda sa pamamagitan ng makabuluhang tulong sa produksyon.”
Matatandaang Enero 2022 lang nang aprubahan ng DA ang hiwalay na importasyon ng nasa 60,000 metric tons ng isda para sa unang kwarto ng taon bilang upang “matiyak” ang sapat na suplay sa bansa. (Daris Jose)
-
De Luna nagkampeon sa Florida sidepocket 9-ball
MAY ilang ilang araw pa lang ang nakararaan nang mamayagpag sa Sunshine State Pro Am Tour 2021 Stop 2 si Jeffrey de Luna. Sinundan niya agad ng isa pang korona ang kanyang ulunan sa paghahari naman sa The Sidepocket Open 9 Ball Championship #23 Mardi Grass sa Brewlands sa North Lakeland, Florida. […]
-
Kasama ang Viva Crushes na muling magpapainit sa 10-part series … AJ, wala ng pakialam kapag ginagawan nang maiskandalong isyu
TIYAK na pagpipiyestahan na naman ang kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval (Death of a Girlfriend, Taya, Hugas) sa latest project niya, ang Vivamax Original Series na Iskandalo na mapapanood na simula sa Linggo, April 10. Isang sikat na social media personality ang role na gagampanan ni AJ na masasangkot sa […]
-
Villaramor, Uratex puntirya pang-2 korona sa WNBL 3×3
TARGET ng Uratex Dream na binubuo nina Alyssa Villamor, Kaye Pingol, Tina Deacon at Angel Anies ang pangalawang sunod na korona. Sa pagsiklab ito ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2022 3×3 second leg na sasalihan ng 10 koponan at nakatakdang drumibol umpisa sa Pebrero 26 sa Hoopla Gym ng Angelis Resort […]