• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De Luna nagkampeon sa Florida sidepocket 9-ball

MAY ilang ilang araw  pa lang ang nakararaan nang mamayagpag sa Sunshine State Pro Am Tour 2021 Stop 2 si Jeffrey de Luna.

 

 

Sinundan niya agad ng isa pang korona ang kanyang ulunan sa paghahari naman sa The Sidepocket Open 9 Ball Championship #23 Mardi Grass sa Brewlands sa North Lakeland, Florida.

 

 

Walang talo sa isang araw na tumbukan na nilahukan ng 128 bilyarista ilang araw pa lang ang nakalilipas ang 37-anyos na Pinoy cue artist.

 

 

Kilala rin sa mga palayaw niyang ‘The Bull’ at ‘Jeff Bata’, ito ang ikalawang sunod niyang tagumpay sa Estados Unidos sa taong ito sa pagrenda sa 1-2-3 puwestong pagsakop ng mga Pinoy sa torneo.

 

 

Dianig niya sa pinale si Warren Kiamco na galing sa loser’s bracket. Tinalo na rin niya sa eliminations ang kapwa dating national player.

 

 

Pumangatlo si Zoren James Aranas. (REC)

Other News
  • MEDICO LEGAL: DACERA’S DEATH ‘NATURAL’

    Ruptured aortic aneurysm, na isang medical condition, ang ikinamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, batay sa resulta ng autopsy nito ayon sa findings ng Philippine National Police  Crime Laboratory na inilabas Miyerkoles, Jan 27.   Ayon sa report, hindi magreresulta sa aortic aneurysm ang rape o drug overdose.   Sa isa pang report, […]

  • Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda

    Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).     Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang […]

  • 58% ng POGO-related crimes sa PH sangkot sa human trafficking – Sen. Gatchalian

    KARAMIHAN ng mga krimen may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ay sangkot sa human trafficking ayon kay Senate way and means committee chair Senator Sherwin Gatchalian.     Sa ipinadalang sulat ng Senador sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ng mambabatas na nasa 65% o 68% ng 113 POGO-related cases na naitala […]