OPS, tiniyak ang patuloy na serbisyo gamit ang aprubadong 2023 budget
- Published on November 15, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG nang pasasalamat ang Office of the Press Secretary (OPS) sa Senado sa pag-apruba sa panukalang P1.04 billion budget para sa taong 2023.
Sa Facebook post, pinasalamatan ng OPS ang Kongreso para sa pagsisikap nito na tiyakin ang maayos at mabilis na pagkakapasa ng panukalang 2023 national budget upang makayanan ng administrasyong Marcos na makapagbigay ng “better services” sa mga Filipino.
“Nagpapasalamat ang buong OPS sa House of Representatives at Senate of the Philippines para sa tuloy-tuloy na serbisyo para sa sambayanang Pilipino,” ayon sa FB post ng OPS.
Buwan ng Setyembre nang aprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang budget ng OPS habang ibinigay naman ng Senado ang matamis nitong “Oo”, araw ng Huwebes.
Sina OPS Undersecretaries Maria Pedroche, Eugene Henry Rodriguez, Edwin Cordevilla, Rowena Reformina, at Marlon Purificacion ang mga dumalo sa deliberasyon ng panukalang budget.
“Dumalo sa naturang hearing ang mga opisyal ng OPS at personal na nagpasalamat sa mga senador kabilang ang pangunahing sponsor ng proposed budget ng OPS na si Senador JV Ejercito,” ayon sa OPS.
Sa ilalim ng 2023 spending plan, ang OPS ay makakakuha ng kabuuang appropriation na P623.196 bilyong piso, o mahigit sa kalahati ng nasabing panukala.
Ang P623.196 bilyong piso ay ibibigay sa attached agencies and corporations ng OPS, kabilang na rito ang APO Production Unit, Bureau of Broadcast Services, Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC), National Printing Office, News and Information Bureau, at People’s Television Network.
Sa kabilang dako, sinabi ng OPS na tuwang-tuwa ito nang aprubahan ng Senado ang panukalang P619.53 milyong budget para sa IBC.
“The lingering problem, which has been swept under the rug through the years, the unpaid retirement benefits of retirees from 2009 up to 2023 which amounted to P490 million,” ayon kay Ejercito sa pagdepensa sa nasabing budget. (Daris Jose)
-
Nangakong hindi na ito mauulit… Sen. ROBIN, nag-sorry na sa Senado sa pagpapa-IV drip ni MARIEL
PINUTAKTI at kaliwa’t kanan ang natanggap na batikos nang ginawang pagpa-IV drip ng asawa ni Sen. Robin Padilla na si dating host at aktres Mariel Padilla. Paliwanag pa agad ni Mariel na hindi raw naman niya sinadya ang naturang pangyayari. Nataon lang daw kasi na doon siya inabot sa opis ng […]
-
Metro Manila balik sa mas mahabang curfew
Balik simula ngayon araw (Hulyo 25) ang mas mahabang curfew hours sa Metro Manila matapos na ipairal uli dito ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. na napagkasunduan nila kahapon (Sabado) sa pagpupulong ng […]
-
Displaced jeepney drivers posiblengkunin contact tracers sa COVID-19
Pinag-uusapan ng pamahalaan ang posibleng pagbibigay ng trabaho sa mga displaced na jeepney drivers bilang contact tracers para sa COVID-19. Ang pamahalaan ay may planong gumastos ng P11.7 billion upang mag-hire ng mga contact tracers sa loob ng tatlong buwan. Sila ang mag-identify ng mga taong nagkaroon ng close contact sa mga taong […]