• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Base sa pahayag ng isang Infectious Disease expert: COVID 19, nagiging endemic na

SINABI ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana na nagiging endemic na ang COVID 19 at ang sirkulasyon nito ay maihahalintulad sa sipon na hindi na  tuluyang mawawala pa.

 

 

Inamin ni Salvana sa Laging Handa public  briefing na hindi na sila masyadong nakatutok   pa sa bilang ng mga naitatalang kaso ng covid 19  at sa halip ay mas pokus sila sa estado ng health care system.

 

 

Anuman aniya ang numerong lumabas na may kaugnayan sa bilang ng nagkaka-COVID, ang mahalaga dito aniya ay  mild lang ang mga ito at hindi makapag-bibigay ng problema sa health care system ng bansa.

 

 

Samantala, bagama’t hindi na aniya  gayon kataas ang naitatalang COVID cases ay makabubuti pa rin aniyang magsuot ng face mask.

 

 

Hindi lang naman aniya kasi ang COVID 19  ang naibibigay na proteksiyon ng face mask kundi pananggalang din ani salvana ito sa iba pang karamdaman gaya ng influenza at iba pang respiratory ailments.

 

 

Kaugnay nito’y sinabi ni Salvana na sa Estados Unidos ay napupuno umano ang mga ospital hindi dahil sa COVID kundi dahil sa influenza at respiratory virus kaya’t mahalagang gamitin  pa din ang face mask bilang bahagi ng public health intervention. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga residente ng Pampanga

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong mula sa gobyerno para sa mga residente ng Pampanga na apektado ng kamakailan lamang na kalamidad.     Tiniyak ng Pangulo sa mga  sa mga ito ang patuloy na suporta ng pamahalaan.     Kabilang sa mga ahensiya na nagpaabot ng tulong […]

  • NASAGI SA BALIKAT, TRUCK DRIVER, NANAKSAK NG 5 KATAO

    SUGATAN ang limang indibidwal kabilang ang isang babae nang mistulang naghuramentado ang isang lasing na  truck driver matapos na nagtalo dahil lamang sa nagkasagian ng balikat sa Tagaytay City Huwebes ng gabi.     Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang  biktimang sina   Jorgie Bagay y Legaspi, (babae), 41; Jan Rishan Fajardo y Cortez, 19; Ron […]

  • Nag-topless sa kanyang IG post: CARLA, nagliliyab at pasabog ang pagsalubong sa 2023

    TRENDING ang husay ni Aiko Melendez sa isang eksena sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ Lunes ng gabi, January 9.   Ang eksena ng pagpapakamatay ni Andrew (na mahusay ring ginampanan ni Will Ashley) sa harap mismo ng ina niyang si Lily (Aiko) ang hinangaan at pinuri ng mga netizens dahil sa nakapangingilabot at […]