BIR patuloy ang paghabol sa mga vloggers at online sellers
- Published on November 16, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY pa rin ang gagawing paghahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga influencer, vlogger at online sellers.
Sinabi ni BIR deputy commissioner Marissa Cabreros, na hindi sila tumitigil sa paghahanap ng mga impormasyon sa income ng mga ito.
Susulatan aniya nila ang mga ito kapag hindi nagdeklara ng tama sa kanilang kinikita.
Mula noong ilunsad ang nasabing kampanya ay umabot na sa ilang libong mga vloggers, influencers at online sellers ang nagparehistro.
May nakabantay aniya sa kanilang social media para matunton ang nasabing mga online personalities.
-
DENR: White sand sa Manila Bay makatutulong laban sa nagkakalat ng basura
Makakatulong ang paglalagay ng synthetic white sand sa Manila Bay para hindi na magkalata at magtapon ng basura ang mga tao, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda. Ito ang naging pahayag ni Antiporda makaraang batikusin ang paglalagay nito imbes na inilaan na lang sana ang pondo sa mga […]
-
Sangley Airport maaatraso ang development
Ang pamahalaang lokal ng Cavite ay walang nakuhang bid para sa Sangley Point International Airport kung kaya’t tinatayang maaatraso ang development nito bilang isa sa mga alternatibong paliparan sa bansa. “We had to declare failure of bidding. The Cavite’s Public Private Partnership (PPP) selection committee would reconvene to decide on the future […]
-
Harassment ng Tsina sa Pinas, concern sa Europa- German FM Baerbock
SINABI ni German Foreign Minister Annalena Baerbock na itinuturing ng Europa na isang malaking “concern” ang mapanganib na pagmamaniobra ng Tsina sa Philippine vessels sa South China Sea. Para kay Baerbock, ang ginawa ng Tsina ay malinaw na paglabag sa international laws at balakid sa freedom of navigation. “I think we […]