• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NA-RAPE NA OFW SA KUWAIT, NANALO SA KASO, NAKAUWI NA

NAKAUWI  na rin sa  Pilipinas ang isang Overseas Filipino Workers  (OFW) matapos manalo sa kasong rape  laban sa mga otoridad ng Kuwaiti na nanggahasa sa kanya , walong taon na ang nakalilipas.

Nakasama na rin ni Marites Torijano ang kanyang pamilya sa PIlipina matapos  ang kanyang pananatili ng walong taon sa Migrant Workers and Other Filipino Resource Center habang hinihintay ang desisyon sa kanyang reklamo

Pinuri naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Philippine Embassy sa Kuwait  para sa matagumpay na pagpanalo sa kaso ni Torijano at ang pagpapauwi s akanya pabalik ng bansa.

Ayon naman kay Labor Attaché Nasser Mustafa ,si Torijano ay na-repatriate  sa pamamagitan ng Kuwait Airways.

Si Torijano ayon kay Mustafa ay dineploy dsa Kuwait ng Zontar Manpower Services Inc. bilang domestic helper noong September 2006 pero inilipat ng trabaho sa isang dress shop sa Farwaniya.

Habang ang kanyang residence visa ay “for renewal”  ng kanyang employer, siya ay nahuli ng isang pulisya ng Kuwaiti noong September 2012.

Sa halip na dalhin ito sa police station ay  dinala ito sa madilim na disyerto sa South Surra kung saan siya ginahasa sa loob ng police patrol car  at sinaksak sa leeg at likod.

Nagawa namang gumapang ni Torijano sa gilid ng kalsada kung saan siya nakita ng dumaraang sasakyan at nagdala sa kanya sa Mubarak Hospital.

Kasunod ng dalawang taong paglilitiis  nasentensyahan ang pulis Kuwaiti  ng kamatayan  noong June 2014 ng Court of First Instance pero nabago ng habambuhay na pagkakabilanggo ng Court of Appeals  matapos umapel ang legal counsel ng pulis.

Binayaran naman si Torijano ng P3 milyon civil damages sa pamamagitan ng kinatawan ng Philippine Embassy at Kuwaiti human rights lawyer na si Sheika Fawzia Salem Al-Sabah.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • 6,585 na ang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal — NDRRMC

    Paparami nang paparami ang bilang ng populasyong apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pagpapatuloy ng mga aktibidad nito habang nasa Alert Level 3, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).     Sa ulat ng ahensya ngayong 8 a.m., Martes, nasa 6,585 na ang naaapektuhan ng pagsabog ng bulkan sa rehiyon ng […]

  • “SHAZAM!” FACES THE “FURY OF THE GODS” IN THE SEQUEL’S NEW TRAILER

    NEW Line Cinema has just revealed the brand new trailer and poster of the superhero adventure, “Shazam! Fury of the Gods.”       Check it out below and watch the film only in cinemas across the Philippines starting March 15.     YouTube: https://youtu.be/JvZSRT2Mqr0     Facebook: https://fb.watch/iiridU6xS3/     About “Shazam! Fury of the Gods”   […]

  • Bong Go: Bilisan pamimigay ng ‘ayuda’ sa apektado ng ECQ

    Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging desisyon ng pamahalaan na bigyan ng special financial assistance ang mga residente ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City, Misamis Oriental na naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions noong Hulyo 16 hanggang 31 na nag-extend hanggang Agosto 7.     […]