• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Subpoena kay Bantag, naisilbi na ng DOJ

IKINOKONSIDERA ng Department of Justice (DOJ) na naihain na kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang subpoena ukol sa kasong murder na inihain sa kaniya kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) at Cristito Villamor Palana.

 

 

“The subpoena was served to the last known address of DG Bantag in Caloocan. Per information received the barangay captain told the process server that DG Bantag is not anymore staying in Caloocan after his appointment in BuCor,” ayon kay senior assistant state prosecutor Charlie Guhit.

 

 

Para sa mga prosecutor, matagumpay na nilang naihain ang subpoena sa huling tukoy na address nito sa Caloocan City habang wala naman silang impormasyon sa address niya sa Baguio City.

 

 

Sa impormasyong kanilang natanggap, sinabi umano ng barangay captain sa process server nila na hindi na tumutuloy sa kaniyang bahay sa Caloocan si Bantag.

 

 

“The NBI and PNP should inform the panel of ­prosecutors by way of manifestation or appropriate pleading about the new address of DG Bantag before we issue another subpoena to DG Bantag,” paliwanag ni Guhit.

 

 

Ang subpoena ay bunsod ng kasong murder na isinampa kina Bantag, BuCor Senior Supt. Ricardo Zulueta, at New Bilibid Prison inmates na sangkot sa pagpaslang kina Lapid at Palana.

 

 

Nakatakda ang preliminary investigation sa ­Nobyembre 23 at Disyembre 5, ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento.

 

 

Sinabi naman ni Justice spokesperson Mico Clavano na 11 respondents ang nakatakdang tumanggap ng subpoena. (Daris Jose)

Other News
  • 604,000 informal workers, natulungan ng TUPAD ng DoLE

    UMABOT  na sa mahigit 604,000 informal workers ang nabigyan ng tulong at pagkakakitaan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DoLE) simula nang tumama ang Covid-19 pandemic.   Sa Laging Handa Public Press Briefing  ay sinabi ni Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla, Director, DOLE-Bureau of Workers with Special […]

  • Kahit mahusay na naitawid ang challenging role: VINCE, halos ‘di matagalang panoorin ang kanyang ‘torture scene’

    MAHUSAY si Vince Rillon sa kanyang challenging role bilang isang estudyante na nanakit sa isang lalaki kaya hina-hunting siya ng pamilya ng kanyang biktima sa sex-drama movie na Kaliwaan.     May matinding torture scene na pinagdaanan si Vince sa ending ng movie at inamin ng binata na halos ‘di niya matagalang panoorin ang torture […]

  • Pagaganahin ang imahinasyon at interpretasyon sa movie: ROMNICK, puring-puri si ELIJAH at ‘di umaasang mananalo ng award

    WALA talagang itulak kabigin sa kahusayan sa pag-arte nina Romnick Sarmenta sa Elijah Canlas sa psychological thriller-drama na “About Us But Not About Us” na entry ng IdeaFirst Company sa 1st Summer Metro Manila Films Festival na nagsimula noong April 8 at magtatapos sa April 18, 2023.     Sa imbitasyon ni Direk Perci Intalan, […]