• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

604,000 informal workers, natulungan ng TUPAD ng DoLE

UMABOT  na sa mahigit 604,000 informal workers ang nabigyan ng tulong at pagkakakitaan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DoLE) simula nang tumama ang Covid-19 pandemic.

 

Sa Laging Handa Public Press Briefing  ay sinabi ni Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla, Director, DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns na karamihan sa mga natulungan ng programa ay pawang mga vendors, mga self employed, tsuper na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

 

Sa naturang programa, magtatrabaho ang isang benepisyaryo ng 4 na oras kada araw sa loob ng 15araw kapalit ng minumun na sahod sa kanilang rehiyon.

 

Ang ilan sa itinokang trabaho sa mga ito ay disinfection sa kanilang sariling tahanan at barangay, paglilinis ng baradong estero, paglilinis ng kalat, pagkukumpuni o minor repairs sa mga evacuation centers at paaralan, basic services o pagbibigay ng tulong at personal protective equipment tulad ng mask sa kanilang mga ka-brgy.

 

Ang paliwanag pa ni Atty. Trayvilla, bago sumabak sa trabaho ang mga benepisyaryo idadaan muna sila sa seminar at pagkakalooban ng gamit at safety equipments upang maprotektahan ang sarili sa banta ng Covid- 19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PBBM, hangad na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa

    HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa para maging pantay ang trato ng ekonomiya sa lahat ng mga mamamayang Filipino.     Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos matapos makiisa sa Kadiwa ng Pangulo Para sa mga Manggagawa sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) […]

  • Malakanyang, pinangalanan na ang mga miyembro ng presidential transition team

    LUMIKHA na ang administrasyong Duterte ng transition committee na magbibigay kasiguraduhan ng “smooth” na paglilipat ng kapangyarihan sa Hunyo 30.     Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpalabas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Administrative Order 47 para sa paglikha ng Presidential Transition […]

  • Record high na pondo sa 2023 ni presumptive Pres. Marcos, papalo sa P5.268-T – DBM

    PAPALO raw sa P5.268 trillion ang full-year budget ng papasok na administrasyon si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2023.     Inanunsiyo ni Department of Budget and Management (DBM) officer-in-charge Tina Rose Marie Canda ang panukalang national budget sa isang virtual press briefing.     Kasunod na rin ito ng 181st meeting ng […]