• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 40 top most wanted person ng PRO 3, nabitag ng NPD sa Valenzuela

NALAMBAT ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang isang lalaki na listed bilang No. 40 top most wanted ng PRO 3 sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni DSOU chief PLt. Col. Rommel Labalan ang naarestong akusado bilang si Bonifacio Clemente, 51, residente ng Brgy. Bignay, Valenzuela City.

 

 

Sa report ni Labalan kay NPD Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Penones, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng impormasyon mula sa NDIT-RIU, NCR na naispatan ang presensiya ng akusado sa North Ville 1, Brgy. Bignay kaya nagsagawa sila ng validation sa naturang lugar.

 

 

Nang positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PCPT Melito Pabon, kasama ang mga operatiba ng CIDG-DSOU, NDIT-RIU, NCR, 303rd MC, RMFB3 Intelligence Section ng joint manhunt operation, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang bahay dakong alas-4:30 ng hapon.

 

 

Ani Pabon, si Clemente ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Nelson A Tribiana ng Regional Trial Court (RTC) Branch 37, Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija, para s kasong Robbery. (Richard Mesa)

Other News
  • DoH Sec. Duque at ex-PhilHealth chief Morales, iba pa, pinakakasuhan

    Inilabas na ng Senado ang kanilang committee report ukol sa isinagawang mga pagdinig ukol sa mga katiwalian sa PhilHealth.   Batay sa 57 pahinang ulat na inilabas ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pinasasampahan nila ng criminal charges sina Health Sec. Francisco Duque III, dating PhilHealth President/CEO Ricardo Morales at iba pa.   Bunsod […]

  • TRO ng SC sa PhilHealth fund transfer, pinuri ni Bong Go

    PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na humahadlang sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.     “This is one big win for the Filipino people! Sulit ang ating pangungulit!” ani Go sa pagsasabing ang mga […]

  • PROBLEMA NG TRANSPORT SECTOR PINATUTUKAN KAY PBBM

    ILANG  araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sama-samang nanawagan ang mahigit sampung malalaking transport organizations at cooperative kay Pangulong Marcos na agarang resolbahin ang ibat ibang problemang bumabalot sa sektor ng transportasyon.     Sa isang press conference, lumantad sina Pasang Masda National President Roberto Martin upang […]