Panukalang Bayanihan III, pag-iisahin sa TWG
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
Binuo ng House Committee on Economic Affairs ang isang technical working group (TWG) para pag-isahin ang dalawang panukala na naglalayong madaliin ang pag-ahon ng ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng nararanasang pandemya.
Ang House Bill 8031 o ang “Bayanihan to Arise as One Act” at ang HB 8059 o ang “Bayanihan to Rebuild as One Act”, ay parehong naglalayong isailalim ng isang mekanismo ang pamamaraan upang mapabilis ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa at socio-economic relief.
Ang HB 8031 ay iniakda ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, na nagsabing kailangang palakasin ng pamahalaan ang paggasta upang maiangat ang ekonomiya ng bansa.
“Kailangan pa natin ng mas maraming economic stimulus, subalit dahil hindi pinapayagan ng ating Saligang Batas ang pagdaragdag ng pondo sa panukalang badyet, kailangan nating humanap ng karagdagang pondo para sa muling pagmumungkahi ng panibagong economic stimulus,” ani Quimbo.
Sa ilalim ng kanyang panukala ay hinihiling niya na maglaan ng karagdagang P400-bilyon. Sa kabuuang halaga, ang P330-bilyon nito ay ilalaan sa pagtugon sa COVID-19 at P70-bilyon naman ay para sa pagtugon sa mga kalamidad
Samantala, ang isa sa mga may akda ng HB 8059 na si Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ay iginiit ang pangangailangan na matiyak na may sapat na pondo para sa pagbili ng bakuna.
“Ang pangkalahatang direktang pamamaraan ay pabilisin ang pagbili ng bakuna. Siguraduhin na ngayon at gastusan na ‘yan,” aniya.
Idinagdag ni Salceda na dapat na maglaan ng pondo ang pamahalaan sa typhoon relief at pasiglahin ang pautang para sa paglago ng ekonomiya.
“Hindi na maiiwasan ang pangangailangan na magbigay tayo ng ayuda sa mga kabahayan at kabuhayan, at magtatag ng pundasyon para sa isang matagalang programa sa pag-ahon at paglago ng ekonomiya,” dagdag pa niya.
Kasama sa mga naghain ng HB 8059 ay sina Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin. (ARA ROMERO)
-
VP Sara kinumpirma nilulutong impeachment laban sa kanya
MISMONG si Vice President Sara Duterte ang kumumpirma na may nilulutong impeachment complaint laban sa kanya sa House of Representatives (HOR). Ayon kay Duterte, mayroon pa naman silang mga kaibigan sa Kamara na nagpaparating sa kanila ng balita. Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos dumalo sa budget hearing […]
-
Ads September 26, 2022
-
Judy Ann, sobrang grateful na napiling Oscar entry ang ‘Mindanao’
MASAYANG-MASAYA si Judy Ann Santos dahil ang Mindanao na kanyang pinagbidahan ang napiling official Oscar entry ng Pilipinas para sa International Film Feature. Post ni Juday sa kanyang IG account, “Sooo much to be grateful for.. congratulations team mindanao! Thank you @certified_judinians for this photo!” Ilan sa naunang bumati kay Juday ay sina: […]