Sen. Drilon, mali ang obserbasyon sa ginagawang Marawi rehab ng TFBM
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Department of Human Settlement and Urban Development Sec. Eduardo del Rosario ang naging pahayag ni Senator Franklin Drilon na kailangan umano ng additional fund para matiyak na matatapos sa 2021 ang Marawi Rehabilitation.
Sinabi kasi ni Senador Drilon na “grossly inefficient” at halos nakaasa lamang daw sa donasyon and foreign aid ang rehabilitation project sa lungsod.
Dahil dito, binigyang diin ni Del Rosario na hindi accurate ang obserbasyon ng senador dahil ang lahat aniya ng public infrastructures na ginagawa ng tfbm sa “most affected area ” ay pinondohan ng national government.
Aniya, mayroong karagdagang pondo na nakapaloob sa 2021 Proposed national budget na aabot sa P5 bilyong piso na para sa vertical and horizontal infrastructures, kung saan sapat aniya ang alokasyong ito para matapos “by December 2021” ang Lahat ng rehabilitation Projects sa Marawi City.
Samantala, nilinaw naman ni Del Rosario na ang mga Grant o donation na aabot sa P10.5-Billion, ay nakalaan o gagamitin sa labas ng “most affected area” ng Lunsod ng Marawi, gaya aniya ng pagpapatayo ng Transcentral Road sa labas ng “most affected area” sa paligid ng Marawi.
Habang may inilaan din dito na para sa pagpapatayo ng libu-libong permanent shelter na para sa mga labis na naapektuhan ng naganap na 2017 Marawi siege. (Daris Jose)
-
Mayor WES pormal na naghain ng kanyang COC
PORMAL na naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor WES Gatchalian para sa muling pagtakbo niya bilang alkalde ng Lungsod ng Valenzuela sa darating na election 2025, Linggo ng umaga sa ikalawang palapag ng Alert Multipurpose Hall, kasama ang kanyang asawa at mga anak. Kasama ni Mayor Wes ang kanyang […]
-
DINGDONG, kasama na ni MARIAN bilang A-list endorser ng ‘Beautederm’; RHEA, tuwang-tuwa sa ‘ Celebrity Power Couple’
WINNER ang pagsalubong sa 2021 ng Beautéderm dahil kasama na sa A-list endorser ang award-winning actor at director na si Dingdong Dantes bilang brand ambassador of Beautéderm Cristaux Supreme. Nag-uumapaw nga ang kaligayahan ni Ms Rhea Anicoche-Tan sa kanyang facebook post: “This is a Terrific Treat to formally open 2021!!!! “I proudly welcome […]
-
Chinese itinumba ng kapwa Chinese sa loob ng resto
PATAY ang isang 29-anyos na Chinese national nang barilin ng pinaniniwalaang high profile gunman na Chinese looking din, sa Makati City noong Huwebes, sa isang hotpot restaurant sa Makati City. Dead on arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si alyas “Liu”. Sa ulat Palanan Sub-station, dakong alas- 2:20 ng madaling araw […]