DOTr: Paghuhukay ng tunnel sa Metro Manila Subway project, magsisimula na sa Dec
- Published on November 19, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDA nang simulan sa buwan ng Disyembre ang paghuhukay ng tunnel para sa kauna-unahang Metro Manila Subway project sa bansa.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Rails Sector Cesar Chavez, base sa umano sa usapan nila sa Tokyo, Japan, sisimulan ang paghuhukay ng tunnel sa Brgy. Ugong, East Valenzuela sa Disyembre 12.
Ang naturang lugar aniya ang magsisilbing subway depot.
Matatandaang kamakailan ay nagtungo sa Tokyo si Chavez upang makilatis ang binili ng pamahalaan na ika-apat sa 25 na tunnel-boring machine para sa proyekto.
Sinabi ni Chavez na mula sa Valenzuela, tatakbo pa ng isa’t kalahating kilometro ang paghuhukay bago maidugtong sa susunod na istasyon nito sa Quirino Highway sa Quezon City.
Batay aniya sa pagtaya ng mga inhinyerong Hapones, maaaring tumagal ng hanggang isang taon ang paghuhukay mula Valenzuela hanggang Quirino Highway.
Nabatid na nasa 17 istasyon ang subway mula Valenzuela hanggang Bicutan.
Daraan din ito sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa sandaling matapos na ang proyekto, inaasahang mapapaikli nito ang oras ng biyahe ng mula sa Quezon City hanggang sa airport, mula sa dating mahigit isang oras, ay magiging 35 minuto na lamang. (Daris Jose)
-
‘Spider-Man: No Way Home’ Cracks Open The Multiverse In New International Poster
A new international poster showcasing the shattering of the multiverse in Spider-Man: No Way Home and once again stars Tom Holland as the titular hero in his third solo MCU outing. The film debuted last month and has unsurprisingly become a box office sensation. Spider-Man: No Way Home picks up after the events of Spider-Man: Far From Home, […]
-
500 Malabueños, nakatanggap ng tulong pinansyal
PINANGUNAHAN nina Mayor Jeannie Sandoval at Senator JV Ejercito ang pamamahagi ng Assistance to Individuals to Crisis Situations (AICS) sa aabot 500 Malabueños sa Malabon Sports Complex. Ang AICS, ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food, o tulong pinansyal para […]
-
Other Sparkle stars in ‘MAKA’ include: ZEPHANIE, thankful to be chosen as a star in a teen drama series
Sparkle stars Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, and Olive May will team up for GMA Public Affairs’ latest youth-oriented drama series MAKA . On Tuesday (August 6), the Sparkle stars excitedly arrived at the MAKA story conference , where they got to know the characters they will be […]