Pulong nina US VP Harris at PBBM nakatutok sa pagpapalawak sa security alliance, economic relationship
- Published on November 21, 2022
- by @peoplesbalita
TATALAKAYIN din sa pulong nina Marcos Jr. at Harris ang paninindigan kaugnay sa international rules lalo na ang freedom of navigation.
Siniguro din ng US Embassy ang commitment ng US Vice President na makipag tulungan ito sa Pilipinas para palawakin pa ang economic partnership and investment tries ng dalawang bansa.
Umaasa ang Amerika na magkakaroon ng bagong initiatives na may kaugnayan sa digital economy at pagsusulong ng clean energy.
Habang nasa bansa si Harris magkakaroon ito ng pagkakataon na makipagkita sa civil society activist kung saan ipinapakita nito ang suporta ng US sa human rights at democratic resilience.
Dadalo rin si VP Harris sa isang townhall event kung saan i-empower nito ang mga Kababaihang Pinoy hinggil sa economic empowerment at civic participation.
Ito ang adbokasiya na isinusulong ni US VP Harris, at kauna -unahang niyang ginawa simula ng maluklok siya sa pwesto.
Nakatakda din bumiya si Harris sa Puerto Princesa, Palawan si Harris kung saan makikipagpulong siya sa mga residente, civil society leaders at mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
Ang pagbisita ni Harris sa Palawan ay maituturing na historic event dahil ang Vice-President ay isa sa highest-ranking U.S. official na bumisita sa naturang lugar.
Nagpapakita rin ito sa commitment ng Biden-Harris administration na makiisa sa Pilipinas bilang magka-alyadong bansa at igiit ang international maritime order. (Daris Jose)
-
Ilegal na droga, national issue sa bansa; military, dapat lang na makasama sa anti-illegal drugs operations- PDu30
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang ilegal na droga sa bansa ay national security issue kaya’t marapat lamang na makasama sa anti-illegal drugs operations ang militar. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na 200 hanggang 300 drug suspects ang nahuhuli araw-araw . Giit ng Chief […]
-
Ads September 25, 2021
-
Tsina, sinusubukan na pagwatak-watakin ang mga Filipino gamit ang iginigiit nitong “gentleman’s agreement”- NSC
SINABI ng National Security Council (NSC) na ang salaysay ng Beijing ukol sa sinasabing ‘gentleman’s agreement’ sa West Philippine Sea (WPS) ay nakagagambala, nakalilito at naglalayon na pagwatak-watakin ang mga mamamayang Filipino. Kapuwa inihayag ng Tsina at ni dating presidential spokesperson Harry Roque, na ang sinasabing pagkabigo ng Pilipinas na sumunod sa di umano’y kasunduan […]