Ilegal na droga, national issue sa bansa; military, dapat lang na makasama sa anti-illegal drugs operations- PDu30
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang ilegal na droga sa bansa ay national security issue kaya’t marapat lamang na makasama sa anti-illegal drugs operations ang militar.
Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na 200 hanggang 300 drug suspects ang nahuhuli araw-araw .
Giit ng Chief Executive sobrang nang nakasasama ang illegal drugs activities ss bansa.
“I’d like to pronounce it again that there’s a declaration by me, based on a proclamation also of President (Gloria Macapagal) Arroyo before raising the issue of drugs a national security matter. That’s why kasali na ang military diyan, because if it’s a national security, it is now the welfare of the state at stake,” ayon sa Pangulo.
“That’s why hindi lang ito trabaho ng pulis. Eh national security eh. ‘Di ko naman inulit. So the military also has to participate,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Kaya sinabi ni Pangulong Duterte sa mga anti-narcotics operatives na dedmahin lang ang panawagan ng human rights advocates na itigil ang madugong drug war sa bansa kung saan libong katao na ang namatay kabilang na ang mga kabataan.
“Kapag umatras ako, walang mangyayari sa Pilipinas sa panahon ko. Gawain ninyo ‘yan kapag di na ako Presidente,” ani Pangulong Duterte.
Sa kabilang dako, binalaan naman ni Pangulong Duterte ang mga human rights activists, kabilang na ang mga nasa ibang bansa na huwag makialam o makisawsaw sa problema sa ilegal na droga sa bansa.
Inihanay pa ni Pangulong Duterte ang mga ito sa notorious drug groups na Sinaloa Cartel at Bamboo Triad bilang kaaway ng estado.
“Di talaga [sila] kalaban na patayan. They’re out to discredit, they’re out to send to prison somebody who’s doing his work,” aniya pa rin.
Muli, sinabi ni Pangulong Duterte na ang human rights issues pagdating sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga ay ‘kanya lamang.”
‘Wag kayong matakot pumatay. Hayaan mong ‘yang human rights. Basta you do it in accordance with law,” ang pahayag ng Pangulo.
Matatandaang, simula nang maupo si Duterte bilang presidente ay inako na ng Pangulo responsibilidad sa pagpatay sa mahigit ilang libong katao na pinaghihinalaang nagtutulak ng droga at nanlaban nang maaresto.
Sinabi naman ng pulisya na marami pang pagkamatay ang pinaniniwalaang may kaugnayan sa droga, at mga vigilante o karibal na mga miyembro ng gang. (Daris Jose)
-
Greece at NBA superstar Antetokounmpo tanggal na sa European championship
MINALAS ang bansang Greece at ang dating two-time NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo matapos na masilat ng Germany sa nagpapatuloy na EuroBasket sa score na 107-96. Sinamantala ng Germany ang kanilang homecourt advantage upang umusad sa semifinals at gumanda pa ang tiyansa na magkampeon muli. Si Giannis naman ay nasayang […]
-
Dagdag na 300 kaso ng COVID 19 nitong nakalipas na linggo, hindi dapat na ipag- alala -Dr. Solante
HINDI pa maituturing na isang concern o alalahanin ang mahigit 300 kaso ng COVID 19 na nadagdag kamakalawa. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na alam na naman ng mga kinauukulan kung paano ito masugpo at mako-kontrol. Sa katunayan, nasubukan na aniya ng ito […]
-
PARKING ATTENDANT, PATAY SA SUV
NASAWI ang isang parking attendant matapos mabangga ng isang SUV habang tumatawid sa kahabaan Taft Avenue sa Maynila. Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jimmy Castro, 50, may live in partner ng 694 TM Kalaw St, Ermita, Maynila. Hawak naman ng MPD-Traffic Enforcement Unit ang driver ng 2016 Toyota […]