• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rescue ng Badjao, Aeta sa kalsada inumpisahan na ng DSWD

HINDI lang ngayong Pasko, kundi buong taon na tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Badjao at Aeta para hindi na hihingi ng limos sa mga lansangan.

 

 

Simula noong Nobyembre 18, aabot na sa 100 Badjao mula Mindanao ang na-rescue ng ahensya sa Metro Manila pa lamang.

 

 

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, hindi lang basta papauwiin sa kanilang lugar ang mga Indi­genous People (IP) na ito kundi bibigyan na sila ng pangkabuhayan.

 

 

“Dati-rati kasi bibigyan lang sila ng pagkain, bibilhan ng ticket ng barko, at bibigyan ng barya-barya at saka pauuwiin,” ani Tulfo.

 

 

Ayon kay Sec. Tulfo, “you do not solve their problem. Ang problema wala silang makain sa kanilang lugar dahil wala silang hanap buhay o pinagkakakitaan kaya pabalik-balik sila dito sa NCR o malalaking lungsod para magpalimos.”

 

 

Sampung libong piso bawat pamilya ng IPs na nare-rescue ngayon ang ibinibigay ng DSWD bilang puhunan nila pagdating sa kanilang lugar.

 

 

Bukod sa puhunan, binigyan din ng food pack, family at hygiene kits ang bawat pamilya.

 

 

“Ito ang isa sa mga pinatututukan ng Pangulong BBM na bigyan mg pangkabuhayan ang mga IPs para hindi na nagpapalimos pa sa kalsada,” ayon sa kalihim.

 

 

Ayon naman kay DSWD Standard Bureau Usec. Denise Bragas, na siyang nangangasiwa sa rescue operations ng IPs sa lansangan, isusunod na nila ang mga street children.

 

 

“In coordination po with the LGU, mga bata na palaboy ang isusunod naman na ng DSWD,” ayon kay Usec. Bragas.

 

 

Dagdag pa niya, “ang utos po sa amin ni Sec. Tulfo, kapag tatlong beses ng nare-rescue ang bata sa lansangan, hindi na po namin isosoli sa magulang nila bagkus gobyerno na po ang magpalaki at magpapa-aral sa kanila”. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nais ang regulated issuance ng protocol license plates

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang regulasyon o alituntunin ng pagpapalabas ng protocol license plates sa mga opisyal ng gobyerno dahil sa tumataas na reklamo sa “unauthorized usage.”     Nauna rito, nagpalabas ang Pangulo ng Executive Order (EO) No. 56, inamiyendahan ang EO No. 400 (s. 2005), na pinahihintulutan ang pagtatalaga at pagpapalabas […]

  • Bryant, 2 pa iniluklok sa Hall of Fame

    Iniluklok na ang namayapang si Kobe B­ryant kasama ang mga miyembro ng 2020 Class sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame kahapon.     Nakasama ni Bryan sina NBA legends Tim Duncan at Kevin Garnett sa 2020 Class.     Ang dating Los Angeles Lakers superstar ay kinatawan ng kanyang asawang si Vanessa at sinamahan […]

  • TWG binuo para balangkasin ang “Sagip Kolehiyo Act”

    Pinagtibay ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Resolution 1380 na iniakda ni Rizal Rep. Juan Fidel Felipe Nograles.     Layon ng resolusyon na hilingin sa komite na hikayatin ang pagsasanay ng mas maraming Pilinong siyentista at dalubhasa sa ibang bansa.     Sinabi ni Dr. Ben Macatangay, kinatawan mula sa […]