• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Reyes, Torre aawra sa 2nd Pro Sports Summit

MAKIKIISA sina world 9-ball at four-time 8-ball billiard champion Efren Reyes at Chess Olympiad silver at four-time bronze winner Grandmaster Eugenio Torre sa Games and Amusement Board (GAB) 2nd Professional Sports Summit Zoom Teleconferencing & Facebook live 2020 sa Sabado, Disyembre 5.

 

“Hindi naman kasi porke pandemic ay hihinto na ang GAB so we thought of coming up with a virtual Sports Summit,” pagsisiwalat ni GAB chairman Abraham Kahlil Mitra sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum nitong Martes.

 

Paksa sa maghapong okasyon  ang boxing rules, mental health at batas sa pro sports. Gayundin ang pagkilala sa mga pambihirang talento ng mga atletang tulad nina Reyes, Torre, 2010 world 10-ball king Francisco Bustamante, dating world boxing champ Geronimo Penalosa at former Philippine Basketball Associatiopn (PBA) Best Import Sean Chambers.

 

Imbitado rin ang ilang opisyal gayani Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) chairman Sen. Juan Edgardo, kapwa mambabatas na sina Lawrence Christopher Go, Joel Villanueva at eight-division world boxing champion Emmanuel Pacquiao.

 

Sasamahan si Mitra sa isang araw na pagtitipon na sisimulan sa alas-9:00 nang umaga nina GAB Commissioners Mario Masanguid at Eduard Trinidad.

 

Sa temang ‘Leadership in Crisis,’ babahagi rin dito ang Philippine Basketball Association (PBA), Chooks-to-Go 3×3 Pilipinas, National Basketball League (NBL), Premier Volleyball League (PVL), Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), Philippine Football League (PFL), at iba pa.  (REC)

Other News
  • Rain or Shine pasok na quarterfinals matapos talunin ang NLEX 110-100

    Pasok na quarterfinals ang Rain or Shine matapos na talunin ang NLEX 110-100 ng PBA Commissioner’s Cup.     Nanguna sa panalo ng Painters ang import na si Ryan Person na nagtala ng 24 points at siyam na rebounds habang mayroong 19 points si Andrei Caracut at Gian Mamuyac ay nagtala rin ng 15 points […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 54) Story by Geraldine Monzon

    KAMPANTE  si Cecilia sa kanyang naging desisyon. Akala yata ng tatlong ulupong ay mababahag ang buntot niya.   Bago umalis ay itinutok pa ni Bert ang baril niya sa sentido ni Cecilia.   “3 days lang ang ibibigay naming palugit para maibigay mo ang kailangan namin. Kung hindi, alam mo na ang mangyayari Cecilia, kaya […]

  • QC residents nakinabang sa naibabang financial assistance: AIKO, ginawaran ng ‘National Outstanding Humanitarian and Leadership Service’

    UMABOT na sa 10,500 residente ng Quezon City ang napagkalooban ng financial assistance na naibaba sa pamamagitan ni Councilor Aiko Melendez.     Bukod sa financial assistance, nakapagbaba rin katumbas ng P20 million medical assistance sa pamamagitan ng guarantee letters si Melendez na kamakailan ay ginawaran ng “National Outstanding Humanitarian and Leadership Service”. Kasama niya […]