• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinatuwaan ang pag-amin na six months nang may ‘LQ’: SHARON, magiging single sana uli kung ‘di pa sila nagkabati ni Sen. KIKO

NATUWA ang mga netizens nang mismong kay Megastar Sharon Cuneta nagmula ang pag-amin na nagkaroon sila ng matagal na LQ or ‘lovers quarrel’ ni former Senator Francis Pangilinan na tumagal din ng ilang buwan.  

 

 

Sunud-sunod na pag-amin ang ginawa ni Sharon sa kanyang Instagram account, matapos umamin na nagkabati na muli sila ng husband niya last Saturday, November 19,  Nagsimula raw ito noong nasa concert sila sa US ni Regine Velasquez.

 

 

“Bati na kami today after ng pagkahaba-habang LQ namin,” wika ni Shawie.

 

 

“Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami nagtabi.” 

 

 

Sinundan na iyon ng mga sweet photos nila ng asawa with a caption na “sige, pagbutihan mo naybor para Sutart ka na ulit after 6 months,”

 

 

Sumunod na post ni Sharon, “Kala ko single na ako uli next year.  Ayan, buti bati na.”

 

 

Inamin na rin ni Sharon na muntik na silang maghiwalay ni former Senator Kiko.

 

 

“Reunited after a 6-month long LQ which we thought would lead to a separation,” post muli ni Shawie.

 

 

Siyempre pa ay ikinatuwa ito ng family nila at mga friends like ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo, noong debut ng panganay nilang si Yohan, na dinaluhan ni Sharon.

 

 

                                                            ***

 

 

THANKFUL si Kapuso actor Rocco Nacino sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya at sa kanyang pamilya.

 

 

Kasisilang nga lamang ng first child nila ng wife na si Melissa Gohing, ngayon naman ay may Instagram post siya na nasa tabi sila ng beach, with a caption na: “Our future home, with the sound of the waves to wake us up.  This is for you @gohingmelissa, @ezrenraffaellonacino.

 

 

“A place for us to stay, relax, to reconnect,  maybe, possibly retire, to bring our family and friends to enjoy the ocean.  We never thought of having our own land here.  Now, it’s a reality. Exciting times ahead. #LifeWithTheNacinos in Zambales.

 

 

Ayon naman kay Melissa, ang place daw ay “one of our best investments for EZ.”

 

 

Sa rami ng mga nag-congratulate kay Rocco, lalo siyang na-inspire to work, like ngayon, na tinatapos na niya ang mga eksena niya sa ‘Maria Clara at Ibarra’, na napapanood na siya bilang si Elias, ang matalik na kaibigan at tagapatanggol ni Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), gabi-gabi sa GMA-7, pagkatapos ng ’24 Oras’.

 

 

                                                            ***

 

 

KINATUWAAN ng mga netizens ang napanood nila sa GMA News ang pagtuturo ni Kapuso comedienne na si Pokwang, sa four-year-old daughter niyang si Malia, na gumagawa ng gawaing pambahay, tulad ng pagwawalis sa bakuran nila, paghuhugas ng pinggan, paglalaba at pagtulong kay Pokwang sa paghahanda ng pagkain nila.

 

 

“Para sa akin kasi, kailangang habang bata pa ay turuan na natin ng gawaing pambahay ang mga anak natin,” paliwanag ni “TiktoClock” host.

 

 

“Unang-una na ay kultura naman natin talaga na habang mga bata pa ang mga anak natin, turuan na sila ng mga gawaing-bahay,  Pinag-usapan din namin ito ng tatay niya (Lee O-Brian), para maging independent siya sa paglaki niya.

 

 

“Tuwang-tuwa siyang maghugas ng pinggan, binabantayan ko lang dahil malakas sa sabon, siyempre may kasama kasing laro,” natatawa pang kuwento ni Pokwang.

 

 

“Ginagawa ko ito dahil may isa pa akong reason, iyong mailayo ko siya sa paggamit ng gadgets.  Napapansin ko kasi kapag pinabayaan mo ang mga bata na laging gumamit ng gadgets, mahihirapan ka nang patigilin sila.  Kaya mas tamang mga gawaing-pambahay ang matutunan nila habang mga bata pa sila.”

 

 

Napapanood ang “TiktoClock” hosted by Pokwang, Rabiya Mateo and Kuya Kim Atienza, from 11;15am to 12noon, Mondays to Fridays.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Del Rosario pumangatlo, ginantimpalaan ng P106K

    PALABANG sumalo sa pangatlong posisyon si Pauline Beatriz Del Rosario kay Mohan Du ng China sa kahahambalos na Dare the Bear Women’s Championship upang mapremyuhan ng tig-$2,069 (P106K) sa Black Bear Golf Club sa Parker, Colorado.     Nagposte ang 23-year-old Pinay shotmaker buhat sa Las Piñas ng mga linyang six-over par 76, three-over par […]

  • Country classification, suspendido simula Pebrero 1

    SIMULA Pebrero 1, 2022 ay suspendido muna ang country classification o ang green, yellow at red classification ng mga bansa, teritoryo at hurisdiksyon     Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secetary Karlo Nograles, base ito sa ipinalabas na IATF resolution No. 159.     Sa darating na Pebrero 10 naman ay bubuksan na […]

  • Istriktong ipatupad ang indoor at transport face mask rule

    PINAALALAHANAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos Jr. ang mga local government units (LGUs) na istrikto pa ring ipatupad ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas at mga pampublikong transportasyon.     Ang paalala ay ginawa ni Abalos, kasabay nang pagpapahayag niya […]