• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Del Rosario pumangatlo, ginantimpalaan ng P106K

PALABANG sumalo sa pangatlong posisyon si Pauline Beatriz Del Rosario kay Mohan Du ng China sa kahahambalos na Dare the Bear Women’s Championship upang mapremyuhan ng tig-$2,069 (P106K) sa Black Bear Golf Club sa Parker, Colorado.

 

 

Nagposte ang 23-year-old Pinay shotmaker buhat sa Las Piñas ng mga linyang six-over par 76, three-over par 73 at even par 70 para maka-two-under 219, tulad ng Chinese na may mga tinipang mga round na 71-74-74.

 

 

Pinamayagpagan ang 54-hole, 46-player event na kickoff leg sa taong ito ng East Coast Women Pro Golf Tour (dating National Women’s Golf Association), ni Alyaa Abdul na may last round 70 pa-217, one stroke edge sa kapwa Amerikanang si Alexandra Swayne. (CDC)

Other News
  • Pagbawi sa moratorium sa oil at gas exploration sa WPS, pag-exercise lang ng sovereign rights ng Pilipinas

    SINABI ni Energy Secretary Alfonso Cusi na in- exercise lamang ng Pilipinas ang sovereign rights nito nang bawiin ng pamahalaan ang moratorium sa oil at gas exploration sa tinaguriang resource rich West Philippine Sea, pinagtatalunang teritoryo.   Ani Cusi, ang pagbawi sa ban ay hindi nakapagpahina sa posisyon ng bansa sa maritime dispute.   “This […]

  • NAVOTAS NAKUMPLETO NA ANG PAGBABAKUNA SA MGA FRONTLINERS

    Nakumpleto ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ang pagbabakuna sa priority A1 frontliners.     Nasa 1,297 residente at hindi residenteng frontliners na nakarehistro sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccination program ng lungsod ang nakatanggap ng kanilang shots.  Sa bilang na ito, 178 ang nabigyan na ng pangalawang dosis.     Ipagpapatuloy na din […]

  • Inaabangan na ang sequel ng ‘Hello, Love, Goodbye’: Balik-tambalan nina KATHRYN at ALDEN, mukhang malabo pang mangyari

    KASABAY ng sobrang init ng panahon ang balitang sobrang lakas na lindol na naganap sa Taiwan.    Pero hindi nagpakabog at sumama sa trending issues ang KathDen.   Nag-trending nang husto ang mga pictures nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kuha sa post birthday celebration ng Kapamilya actress.  Ginanap ang selebrasyon na inoorganisa ng […]