• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAPAKONDISYON SI PAGDAGANAN

IHAHANDA na ni Bianca Pagdaganan ang sarili para sa malaking laban sa murang propesyonal na karera sa nakatakdang $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas sa Disyembre 10-13.

 

Magpapakondisyon ang 23-taong gulang na bagitong Pinay sa ika-16 na yugto ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020, ang 8th Volunteers of America Classic 2020 sa The Colony, Texas din simula ngayong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).

 

Ikawalong torneo na sa taong ito ng tubong Quezon City na lahat naman ay napasahan niya ang cut kabilang ang pagsosyo sa ikasiyam na puwesto sa LPGA Tour major, ang 58th Women’s PGA Championship sa Pennsylvania nitong Oktubre na nagbigay sa kanya ng puwesto sa US Open.

 

Magiging reunion nila ni LPGA of Japan Tour campaigner Yuka Saso ang US Open makaraang balikatin ang Pilipinas sa women’s team gold medal sa Indonesia 18th Asian Games 2018 kung saan si Saso rin ang nag-gold sa individual at bronze si Pagdanganan.

 

Pero ang muling pagkikita sa Estados Unidos ng top pro golfers ng ‘Pinas ay hindi na magkakampi kundi magkaribal para sa indibidwal na karangalan sa malaking entablado ng kompetisyon na isa pinakaprestihiyo sa kasaysayan, at premyo katapat ang mga astig na manlalaro ng imundo.

 

Huling kompetisyon ni Pagdanganan ang 11th Pelican Women’s Championship 2020 sa  Pelican Golf Club sa Florida nitong Nobyembre 22 kung saan tumabla sa ika-34 na puwesto at nakapagsubi ng $9,106 (P439K).

 

Ang 19-anyos na Filipina-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan na si Saso naman ay sa 48th Japan LPGA Tour Championship Ricoh Cup 2020 sa Miyazaki Prefecture nitong Nob. 27 na rito’y sumalo siya sa pang-anim at biniyayaan ng ¥4,638K (P2.1M). (REC)

Other News
  • MARCOS NAIS DAGDAGAN ANG MGA SUCs SA BANSA

    Isusulong ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makapagpatayo pa ng maraming State Universities and Colleges (SUCs) sa mga lalawigan upang mas mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na makapag-aral.       Binigyang-diin ni Marcos na kailangang unahin ang edukasyon sa bansa kaya ang pagpapatayo ng dagdag pang […]

  • Ads April 12, 2022

  • Buwenamanong gold ng Pinas

    IBINIGAY ni Mary Francine Padios ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games makaraang magwagi sa women’s pencak silat seni (artistic/form) tunggal single event sa Bac Tu Lien Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.     Humugot ang 17-anyos na tubong Kalibo, Aklan ng lakas ng loob mula sa kanyang amang nakaratay ngayon sa […]