PBBM, pinuri ang pagsisikap ng LGUs sa gitna ng pandemya
- Published on November 24, 2022
- by @peoplesbalita
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aktibong mga hakbang ng local government units sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Personal na sinaksihan ni Pangulong Marcos ang 2022 Galing Pook Awards na isinagawa sa Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.
“As your President, I’m deeply encouraged by the effective leadership we now see shining brightly amongst our LGUs,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
“So, I thank you for letting our people know that they are in safe hands, even if the health crisis and other succeeding challenges gave us enough reason to fear,” dagdag na wika ng Pangulo.
Umaasa naman ang Chief Executive na ipagpapatuloy ng LGUs na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya sa “present journey into the new normal.”
“May you, therefore, remain consistent and persevering in your endeavors so that you may reach even greater heights. Together, let us build a country where efficient, competent, and effective leadership is the hallmark of Philippine governance,” aniya pa rin.
Nangako naman ang Punong Ehekutibo na susuportahan ng kanyang administrasyon ang LGUs dahil mahalaga ang papel at gampanin ng mga ito pagdating sa nation-building initiatives.
“Galing Pook is a leading resource institution that recognizes, capacitates and promotes innovation, sustainability, citizen empowerment and excellence in local governance and has empowered hundreds of LGUs to develop programs and social innovations through the Galing Pook Awards, Galing Pook Academy and Galing Pook Advocacies,” ayon sa ulat.
Ani Pangulong Marcos, ang pagkilala sa mga lungsod at munisipalidad ay nagbibigay inspirasyon sa kanila na paigtingin ang kanilang hangarin na mas mapahusay pa ang kanilang ginagawa.
Hinikayat ang mga LGUs na i-adopt ang kasanayan na “make us paragons of excellence in public service.”
Samantala, ang 10 outstanding programs ng iba’t ibang LGUs ay The Green Wall of Alcala (Alcala, Cagayan); Advancing and Sustaining Good Governance and Community Actions towards Resiliency and Empowerment (Basilan Province); Bataan Public-Private Partnership Programs (Bataan Province); Balik-Bin?an Project: Tourism Development through Heritage Conservation (Bin?an City, Laguna); From Black to Green: Fishponds, Eco- Tourism and Full Employment (Brgy. Cayabu, Tanay, Rizal); Trekking to Unlock Community Ailments and Difficulties (TUCAD) (Goa, Camarines Sur); “I-BIKE” A Program Promoting the Development of the Iloilo City Bike Culture (Iloilo City); Yaru: A Whole-of-Community Approach Towards Disaster Management (Itbayat, Batanes); Libertad Fish Forever Savings Club (Libertad, Antique); at Basta Piddiguen?o, AgriHenyo: Consolidated Farm Production System (Piddig, Ilocos Norte).
Ang mga nagwagi ay pinili mula sa 18 finalists at record field na 196 applications mula sa iba’t ibang LGUs sa bansa, ayon sa Galing Pook Foundation. (Daris Jose)
-
HEPE NG NBI-ANTI TERRORISM DIVISION, NAG-SUICIDE
LALONG tumibay ang anggulong suicide ang pagkamatay ng hepe ng NBI-Anti Terrorism Division makaraang kumpirmahin ng kanyang misis na matinding depresyon ang sinasabing nagtulak para wakasan ang kanyang buhay. Ayon kay Atty. Maria Rosario Bernardo,may pinagdadaanang colon cancer si Raoul Manguerra sa edad na 49. Napag-alaman na kamakailan lamang ay namatay din ang ama ni […]
-
‘Napakasarap sa pakiramdam’ ang panalo ni Hidilyn, gusto ko na ring magretiro’ – Puentevella
Hindi napigilang maging emosyunal at maiyak ng presidente ng Samahang Weighlifting ng Pilipinas (SWP) Monico matapos ang malaking panalo kagabi ni Hidilyn Diaz sa 55kg women’s weightlifting sa Tokyo Olympics. Ang dati rati’y ay energetic at madaldal na kausap na si Puentevella ay halos walang masabi at pautal-utal na lamang na nagkwento sa likod […]
-
Glen Powell rides into the eye of the storm as tornado wrangler Tyler Owens in “Twisters”
Glen Powell has always had an interest in joining the disaster thrill-ride, “Twisters,” since he caught wind of it. He’d been keeping close tabs on the project while working with Joseph Kosinski for “Top Gun: Maverick,” as Kosinski was developing the story for “Twisters.” “Joe told me what an exciting movie this was going to […]