• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Multi-billion peso fund transfer ng DICT at MMDA pinaiimbestigahan sa Kamara

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza ang proyektong na bid out ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa halagang P1.1-billion.

 

 

Ang nasabing proyekto ay para sa NCR Fiber-Optic Backbone Development.

 

 

Diin ni Daza na ang nasabing pondo ay originally allocated para sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na magbibigay ng 105,000 free public Wi-Fi hotspots sa halagang P12 billion.

 

 

Bahagi rin ng alokasyon ang nasa P3 billion hanggang P4 billion na ibibigay sa MMDA at iba pang local government units (LGUs) sa pamamagitan ng Memorandums of Agreement (MOAs).

 

 

Punto ng mambabatas tanging ang Congress ang maaaring magbigay ng go signal na naaayon sa batas kung dapat magkaroon ng fund transfer.

 

 

Dagdag pa ni Rep. Daza na iisa lamang ang bidder sa naturang proyekto ang joint venture na A-Win and Net Pacific, Inc.

 

 

Ibinunyag din nito na walang postings sa website ng MMDA’s hinggil sa umanoy awarding of bidding.

 

 

Kinuwestiyon din ni Daza ang paraan ng paggastos ng MMDA sa naturang pondo.

 

 

Maging ang validity ng joint ventures kinuwestiyon din ng mambabatas.

 

 

Tanong din ni Daza kung binigyan din ba ng MMDA ng sapat na panahon ang mga qualified bidders.

 

 

” Let’s just hope that our assumption of good faith holds true, otherwise, MMDA may just stand for ‘Money Making from DICT Allocations’,” pahayag ni Rep. Daza.

Other News
  • Naki-share din si RITA na ka-partner sa ‘Lulu’: RHEN, crush na crush pa rin si ANGEL AQUINO at gustong makatambal sa pelikula

    MULA sa box-office director ng Kita Kita na si Sigrid Andrea Bernardo, inihahandog ng Vivamax ang girl love series na Lulu, na magsisimula na sa January 23, 2022.     Makikilala na ang unang pagsasama ng sultry actress na si Rhen Escaño (Adan, The Other Wife, Paraluman) bilang Sophie at ang baguhang aktres na si […]

  • PBBM isusulong ang kapayapaan sa WPS

    NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga na mapanatili ang kapayapaan at sumunod sa rules-based order na siyang cornestone ng kaniyang Philippine foreign policy sa gitna ng tumataas na geopolitical tension sa Asya.     Sinabi ng Pangulong Marcos na ang kaniyang admistrasyon ay magpapatuloy na magbuo ng malakas na alyansa sa mga kaalyado […]

  • 85% ng COVID-19 patients sa ICU, ‘di bakunado – DOH

    Mayorya o nasa 85 porsyento ng mga pasyenteng may COVID-19 na nasa intensive care units (ICU) ng mga ospital sa National Capital Region (NCR) ay hindi bakunado at nangangailangan ng mga ‘mechanical ventilators’.     “Over the week, we have noted a steady increase in hospital admissions in Metro Manila. Data from DOH hospitals in […]