Executive order para sa Emergency Use Authorization ng COVID-19 vaccines, pirmado na ni Duterte
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kautusan na nagbibigay ng pahintulot sa Food and Drug Administration na payagan ang emergency use ng COVID-19 vaccines at treatments.
Nakasaad sa Executive Order No. 121 na pinahihintulutan si FDA Director General Eric Domingo na maglabas ng Emergency Use Authorization (EUA) sa drug at vaccine makers.
At dahil sa bagong pinirmahang kautusan, ang bakuna ay puwedeng maaprubahan para magamit sa loob ng isang buwan sa halip na sasailalim pa sa usual six-month review period.
Nauna nang siniguro ni Domingo sa publiko na hindi makokompromiso ang speed-up process.
Sinabi nito na nagtutulungan na ang FDA at Department of Health sa pagpapalakas sa government’s vaccine monitoring efforts upang madaling makita ang posibleng adverse effects, makaraan ang inoculation.
Nakapaloob sa Executive Order na kasunod na rin ito ng mga ginawang pag-isyu na rin ng EUA ng ibang bansa gaya ng Australia, China at Estados Unidos.
Kabilang sa mga kondisyon sa paglalabas ng EUA ang pagkakaroon ng sapat na ebidensya, data mula sa marami at kontroladong clinical trials para paniwalaang epektibo sa pagpigil, pag-diagnose at paggamot sa COVID-19 ang bakuna o gamot.
Dapat ding mas matimbang ang kilala at potential benefits ng gamot o bakuna kaysa posibleng risks o panganib ng COVID-19 drug o vaccine.
Wala rin dapat aprubado at available na alternatibong gamot o bakuna sa pagpigil, pag-diagnose at paggamot sa COVID-19.
Ang aplikasyon para sa EUA ay dapat manggagaling mula sa kinauukulang industriya o government agency gaya ng national procurer o public health program implementer.
Kaugnay nito, inaatasan ang FDA na bumuo ng mga guidelines na kakailanganin para sa epektibong implementasyon ng EO.
Epektibo ang EO agad pagkatapos ng publikasyon nito sa Official Gazette at sa pahayagang may national circulation.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang EO noong, Disyembre 1, 2020. (Daris Jose)
-
Kingstown 2 at Queensville sa Brgy. 171 Caloocan, ila-lockdown
Isasailalim ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa lockdown ang Kingstown 2 at Queensville sa Barangay 171 mula 12:01am ng Lunes, March 22 hanggang 11:59pm ng Linggo, March 28, 2021. Ayon kay Mayor Oca Malapitan, ang ipatutupad na lockdown ng pamahalaang lungsod ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases […]
-
Sampal sa vlogger at mga netizens na gumawa ng isyu: Face ni Baby Peanut, unti-unting nire-reveal nina LUIS at JESSY
WALANG ibang caption kung hindi ang event na pinuntahan ni Heart Evangelista sa Paris na “dinner, Tiffany and Co.” Pero ang talagang nakakuha ng atensiyon ng mga netizens at followers ay ang mga photos na ipinost niya. Naka-formal outfit si Heart at this time, tila sa unang pagkakataon ng mga Paris photos ni Heart, may […]
-
$2-M ADB grant para suportahan ang ‘Odette’ relief ng Pilipinas
INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang $2-million grant para suportahan ang emergency response ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nasalanta at nawasak na lugar sa central at southern provinces dulot ng bagyong Odette. Ang bagyong Odette ang itinturing na “strongest typhoon” na tumama sa bansa noong nakaraang taon. Ang grant […]