• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 4th, 2020

Aiko, ‘back to work’ matapos ang COVID scare; Alden, mis na ang lola sa Laguna

Posted on: December 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakahinga na ng maluwag si Aiko Melendez kasunod ng saglit lamang ng isolation matapos magkaroon ng ilang sintomas ng Coronavirus Disease (COVID).

 

Negatibo kasi ang nakuha nitong resulta sa swab test kaya kaagad ding pinabalik sa trabaho.

 

Kuwento ng 44-year-old actress, ang pagkawala ng kanyang panlasa ay dahil pala sa tonsilitis o pamamaga ng kanyang lalamunan, maliban pa sa pagkakaroon niya ng karaniwang sipon at sobrang pagod, ayon sa kanyang doktor.

 

Ayon pa kay Aiko, nitong Biyernes nang magsimulang bumigat ang kanyang pakiramdam habang nasa taping, na nasundan ng pangangati ng lalamunan hanggang sa tuluyang nilagnat.

 

“So I was sent back to the hotel. I was isolated until I get my result. 45 minutess passed, I got my result, and it was negative and I have tonsillitis,” saad ni Melendez sa pep.

 

Nabatid na kabilang sa mga sintomas ng deadly coronavirus, ang pagkawala ng panlasa at pagkakaroon ng lagnat ng isang tao.

 

Si Aiko ay ex-wife ni Jomari Yllana at ngayo’y bagong boyfriend si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

 

Samantala, aminado si Alden Richards na namimis na nito ang kanyang lolo at lola na matagal na niyang hindi nakakasama sa bahay nito sa Laguna.

 

Ayon sa 28-year-old actor, pinipili niyang magtiis muna sa gitna ng coronavirus pandemic alang-alang sa kaligtasan lalo’t nasa 80s na ang edad ng kanyang mga lolo’t lola.

 

Nabatid na negatibo naman sa COVID test ang lola’s boy na si Alden, pero nangangamba na baka ang sapatos nito o ang suot na damit ang may dalang virus.

 

“And then pagdating ko doon, uwi ako agad. I don’t sleep there. Balik po ako agad dito sa Manila,” kuwento nito sa pep.

 

Una nang nag-false positive ang resulta ng longtime personal assistant ni Alden, bagay na nakakapagdulot pa rin aniya ng anxiety at panic attack.

Executive order para sa Emergency Use Authorization ng COVID-19 vaccines, pirmado na ni Duterte

Posted on: December 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN na ni  Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kautusan na nagbibigay ng pahintulot sa Food and Drug Administration na payagan ang emergency use ng COVID-19 vaccines at treatments.

 

Nakasaad sa Executive Order No. 121 na pinahihintulutan si  FDA Director General Eric Domingo na maglabas ng Emergency Use Authorization (EUA) sa drug at vaccine makers.

 

At dahil sa bagong pinirmahang kautusan, ang bakuna ay puwedeng maaprubahan para magamit sa loob ng isang buwan sa halip na sasailalim pa sa usual six-month review period.

 

Nauna nang siniguro ni Domingo sa publiko na hindi makokompromiso ang speed-up process.

 

Sinabi nito na  nagtutulungan na ang FDA at Department of Health sa pagpapalakas sa government’s vaccine monitoring efforts upang madaling makita ang posibleng adverse effects, makaraan ang inoculation.

 

Nakapaloob sa Executive Order na kasunod na rin ito ng mga ginawang pag-isyu na rin ng EUA ng ibang bansa gaya ng Australia, China at Estados Unidos.

 

Kabilang sa mga kondisyon sa paglalabas ng EUA ang pagkakaroon ng sapat na ebidensya, data mula sa marami at kontroladong clinical trials para paniwalaang epektibo sa pagpigil, pag-diagnose at paggamot sa COVID-19 ang bakuna o gamot.

 

Dapat ding mas matimbang ang kilala at potential benefits ng gamot o bakuna kaysa posibleng risks o panganib ng COVID-19 drug o vaccine.

 

Wala rin dapat aprubado at available na alternatibong gamot o bakuna sa pagpigil, pag-diagnose at paggamot sa COVID-19.

 

Ang aplikasyon para sa EUA ay dapat manggagaling mula sa kinauukulang industriya o government agency gaya ng national procurer o public health program implementer.

 

Kaugnay nito, inaatasan ang FDA na bumuo ng mga guidelines na kakailanganin para sa epektibong implementasyon ng EO.

 

Epektibo ang EO agad pagkatapos ng publikasyon nito sa Official Gazette at sa pahayagang may national circulation.

 

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang EO noong, Disyembre 1, 2020. (Daris Jose)

PDu30, itinalaga sina Evasco at Jacinto sa bagong posisyon

Posted on: December 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay  Leoncio Badilla Evasco Jr. bilang  Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes, na may ranggo na Kalihim, noong Nobyembre  24, 2020. 

 

Si PA Evasco ay hindi na bago sa  Duterte Administration dahil nagsilbi siya bilang Cabinet Secretary sa mga unang taon ng kasalukuyang administrasyon.

 

Ang pagiging pamilyar nito sa kasalukuyang burukrasya  ay makapag-aambag  sa kanyang bagong gawain na i- streamline ang  government processes sa Ehekutibo.

 

“Welcomer back, PA Evasco,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Samantala, kinumpirma rin ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong  Duterte kay  Ramon Pereyra Jacinto bilang  Presidential Adviser for Telecommunications, na may ranggo na Kalihim noong Nobyembre  25, 2020.

 

Si PA Jacinto ay nagsilbi sa  Duterte Administration sa iba’t ibang kapasidad.

 

Siya ay naging dating  Presidential Adviser on Economic Affairs and Information Technology at pagkatapos at naging Undersecretary ng  Department of information and Communications Technology.

 

“We are therefore confident that PA Jacinto would ably and effectively discharge his duties in this new assignment,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

MARIANO, GINEBRA LALAPIT PA SA TITULO

Posted on: December 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Lagay ng best-of-seven series:

Lamang ang Barangay Ginebra San Miguel sa TNT, 2-0

 

 

Resulta ng serye:

Game 1 nitong Linggo, Nobyembre 29:

Barangay Ginebra San Miguel 100, TNT (94 (OT)

Game 2 nitong Miyerkoles , NDisyembre 2:

Barangay Ginebra San Miguel 92, TNT 90

 

 

Game 3 ngayong Biyernes, Dis. 4: (AUF Sports Arena)

6:00 n.g. – Barangay Ginebra San Miguel vs. TNT

 

AMINADO si Earl Timothy ‘Tim’ Cone na nangamote ang first five niya sa Game Two ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup best-of-seven title showdown sa TNT nitong Miyerkoles sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.

 

Pero masuwerte naikampay pa rin nina Aljon Mariano at Earl Scottie Thomson ang Barangay Ginebra San Miguel, 92-90, para sa 2-0 lead na race-to-four win playoffs.

 

“Scottie was struggling, LA (Lewis Alfred Tenorio) was struggling, for a while Stanley (Pringle) was struggling but of course he exploded. Japeth (Paul Aguilar)  was struggling, so … the whole first group, the core really struggled coming out of the game,” bulalas ng Gin Kings coach. “Aljon’s contribution was exceptional.”

 

Nanalasa si Mariano para ikampay ang Ginebra sa mahirap na panalo at may pagkakataong ngayong Biyernes ng alas-6:00 nang gabi na itarak ang 3-0 bentahe papalapit sa kampeonato ng import-less o all-Pinoy conference

 

Nag-shoot ng second career-best at highest output sa crowd favorite squad na 34 points s si Pringle bagama’t 10 of 21 sa field. Off the bench, nag-alsa si Mariano ng 20 markers para parehasan ang career-best na apat na beses na niyang iitinatala.

 

Ang pagsenglot ng lak sa Tropang Giga ang pangatlong sunod na sa torneong ito, kabilang ang sa eliminations. Kaya kailangang masgising ni wifi bench tactician Ferdinand ‘Bong’ Ravena Jr. ang kanyang mga bataan upang makahirit at iwas sa napipintong pagwalis sa kanila.(REC)

Magkaisa para sa 32nd Olympics 2020- Romero

Posted on: December 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

“First of all, I would like to congratulate my good friend, Cong. Bambol, for securing a full four-year term this time. It’s a tough job being the president of POC but I know he can handle it being a seasoned leader both as sportsman and politician,” bulalas nitong isang araw ng amateur basketball godfather sa opisyal na nagwagi sa eleksiyon ng POC nitong Nobyembre 27 laban kay Jesus Clint Aranas ng World Archery Philippines o WAP.

 

Iginiit ng mambabatas na upang maisakatuparan ang pangarap ng mga Pinoy sa Olympics na medalyang ginto sapul noong 1924, dapat na magtulungan ang lahat at itigil na ang puolitika sa sports na humahadlang sa pagsigla nito.

 

“We have to plan and work as one because the coming Tokyo Games is really our best chance. No more politics in sports because it destroys the three values of Olympism which are excellence, friendship and respect,” esplika ni Romero. “It’s better that they work with Cong. Bambol for the sake of Philippine sports.”

 

Bukod sa Tokyo Games, nagti-training din ang national athletes para sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam, 4th Asian Youth Games at 6th Asian Beach Games sa China, 6th Asian Indoor at Martial Arts Games sa Thailand at iba pang paligsahan.

 

“With so many international tournaments next year, I hope our elite athletes will be given the right training so Cong. Bambol will need the financial support from the government and private sectors,” panapos na hirit pa ni Romero na parte rin ng Philippine National Federation of Polo Players o PNFPP. (REC)

Bettina Carlos says she married Mikki Eduardo “twice and on the same day”

Posted on: December 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pabirong nagpakilala si Bettina Carlos bilang “COVID bride” matapos ikasal sa non-showbiz fiancé niyang si Mikki Eduardo.

 

Si Bettina ay dating GMA-7 star at co-host sa cooking show na Idol Sa Kusina. Napanood din siya bilang supporting cast member sa mga teleseryeng Sa Piling Ni Nanay, Because of You, at My Husband’s Lover.

 

Pero tatlong taon nang hindi aktibo si Bettina nang piliin niyang mag-focus sa kanyang baking at restaurant business.

 

Sa kanyang Instagram post noong Miyerkules ng gabi, December 2, inanunsiyo ni Bettina na dalawang beses silang ikinasal ni Mikki sa Tagaytay Highlands.

 

Ginanap ang wedding ceremony sa garden na may view ng Taal Lake, at sa katabing cabin na may function room ang wedding reception.

 

Hindi direktang nabanggit ni Bettina, pero tila sa function room nangyari ang ikalawang wedding ceremony nila ni Mikki.

 

Caption ng post ni Bettina, “For some reason I knew in my heart I was going to get married this year….

 

“BUT I did not expect it to be TWICE and on the same day.

 

“Thankfully to the same man.

 

“Bettinna Carlos Eduardo po, nagpapakilalang bagong COVID bride.”

 

Idinaan din ni Bettina sa Bible verses ang kasiyahan niyang makaisang-dibdib si Mikki, na itinuturing din niyang best friend.

 

Quote ni Bettina, “It will no longer be said to you, ‘Forsaken,’ Nor to your land will it any longer be said, ‘Desolate’; But you will be called, ‘My delight is in her,’ And your land, ‘Married’; For the Lord delights in you, And to Him your land will be married.'”

Babaeng suspek sa Hernando robbery-slay sa Valenzuela, timbog

Posted on: December 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nadakip na ng mga awtoridad ang isang babae na kabilang sa mga suspek sa robbery-slay case sa company messenger na si Niño Luegi Hernando sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City noong October 9.

 

Pinuri ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang Valenzuela Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega dahil sa matagumpay na pagkakaaresto kay Jo-Anne Quijano Cabatuan, 31 ng Brgy. Lawang Bato sa bisa ng warrant of arrest sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Lourdes, Minalin, Pampanga.

 

Si Cabataun ay unang naging saksi sa brutal na pamamaril kay Hernando ng riding-in-tandem na mga suspek na si Rico “Moja” Reyes at Narciso “Tukmol” Santiago bago tinangay ng mga ito ang motorsiklo at sling bag ng biktima na naglalaman ng pera.

 

Sa masusing imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na sangkot si Cabatuan sa kaso dahil sa pagbibigay umano ng impormasyon sa gunman sa kinaroroonan ni Hernando matapos itong mag-withdrew P442,714 cash sa bangko. Nadiskubre din ng pulisya na si Hernando ay tumistigo kontra sa live-in partner ni Cabatuan na kalaunan ay nakulong sa kasong rape.

 

Nauna nang naaresto ng pulisya ang dalawa pa sa mga suspek na si Edgar Matis Batchar at AWOL na pulis na si Cpl. Michael Bismar Castro habang patuloy namang pinaghahanap ang mga pangunahing suspek na sina Reyes, Santiago, at PO1 Anthony Glua Cubos na pawang kinasuhan ng Robbery with Homicide.

 

Ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng P300,000 reward bawat suspek sa sinumang makapagbibigay impormasyon para sa agarang pagkakaaresto sa mga ito.

 

“We will not stop until all the suspects are brought forward into justice,” ani Mayor REX. (Richard Mesa)

VINTAGE BOMB, NAHUKAY

Posted on: December 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG vintage bomb ang nahukay sa isang construction site sa Sta.Cruz, Maynila.

Ayon sa Sta Cruz Police Station (PS-3), naghuhukay ang MGS Construction Inc sa bahagi ng Laon Laan Street corner Mendoza Street, Sta. Cruz, Manila nang madiskubre ang isang malaking bakal.

Agad itong inireport sa pulisya kung saan napag-alaman na isa itong 155mm Artillery Projectile

Pinayuhan naman ng pulisya ang construction firm na mag-ingat  sa paghuhukay sa lugar  at agad na ipagbigay alam sa otoridad sakaling mayroon pang madiskubreng kahalintulad na bagay .

Dinala na sa DECU MPD office ang nasabing bomba para sa tamang disposisyon. (GENE ADSUARA)

Mayor Isko, paluluwagin ang Divisoria

Posted on: December 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nangako si Manila City Mayor Isko Moreno na gagawin ang buong makakaya para mapaluwag ang Divisoria na dinadagsa ngayon ng maraming tao para sa mga nais makamura sa kanilang mga Pamasko at mga negosyante na nagre-resell.

 

“We will put order in our own little and we will reinforce our effort na maglagay ng mga COVID marshall natin at additional enforcement unit para magpaalala, we will continue to remind to really care from themselves,” ayon kay Moreno sa pahayag ng DZMM.

 

Ngunit inamin ng alkalde na sadyang mahirap na pagbawalan ang tao na mapuno ang Divisoria dahil sa rami ng nais makatipid ngayong Kapaskuhan na pinalala pa ng kawalan ng tao ng gumastos dulot ng pandemya.

 

“Una, ‘di ko kayo mabibigyan ng garantiya na ‘di mag-overcrowd ang Divi(soria) dahil ang Divi ay puntahan ng mga mamimili hindi lang ng mga batang Maynila,” ayon sa alkalde.

 

“’Yan ay distributorship, maraming namimili para ibenta rin sa kanilang mga probinsya o lugar,” dagdag pa niya.

 

Nakagawa naman umano sila ng pagbabago sa Divisoria sa pagpapaluwag sa Recto Avenue at Juan Luna Street sa pagbabawal sa mga vendors doon. Iginiit niya na mananatiling walang obstruksyon sa naturang mga kalsada maging sa Soler Street.

 

Sa pagpapatupad ng Simbang Gabi, sinabi ni Moreno na wala siyang problema sa mga pinuno ng simbahan na nakikipagtulungan sa kanila ngunit ang inaalala niya ay ang mga tao sa labas ng simbahan kapag napuno na ang itinakdang kapasidad ng simbahan.

 

Nagpaalala na lamang siya na palagiang sundin ang ‘minimum health standards’ ng pamahalaan kabilang ang palagiang pagsusuot ng face masks at shields, physical distancing at iwasan ang pakikipag-usap lalo na sa mga hindi kakilala. (Gene Adsuara)

Ads December 4, 2020

Posted on: December 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments