Maynilad at Manila Water may bawas-singil sa Enero
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
Epektibo sa Enero 1, 2021 ay magpapatupad ng bawas sa singil sa tubig ang dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water sa milyon nilang customers sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Ayon sa Manila Water, aabutin ng P0.14 kada cubic meter ang bawas nila sa singil sa tubig at sa Maynilad naman ay P0.05 kada cubic meter sa pagpasok ng Enero ng susunod na taon.
Ang bawas singil ay dulot ng “foreign currency differential adjustment” (FCDA) dahil lumakas ang piso kontra US dollar at Japanese yen.
Balik na ang normal na suplay ng tubig sa mga customer ng Maynilad Water na nakaranas ng water interruption dahil sa ginawang paglilinis ng basin na pinasok ng bulto ng putik ang kanilang planta sa La Mesa Dam sa Quezon City. (ARA ROMERO)
-
18,271 puwesto sa gobyerno, pupunan sa midterm polls
INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na kabuuang 18,271 puwesto sa gobyerno ang nakatakdang punuan sa idaraos na National and Local Elections (NLE) sa Mayo 2025. Ayon sa Comelec, pangunahin sa mga naturang posisyon ay 12 sa pagka-senador, 254 na miyembro ng House of Representatives at 63 party-list representatives. Pupunuan din […]
-
Magdo-donate sa mga nasalanta ng kalamidad: JAKE, SYLVIA, ICE, LIZA at ALEX, ilan lang sa nakisaya sa Christmas party ng SPEEd
NAGING mas makulay at makabuluhan ang Christmas Party ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon na dinaluhan ng ilang celebrities mula sa showbiz industry. Ginanap ito noong December 2 sa Rampa Drug Club na matatagpuan sa #40 Eugenio Lopez St., Diliman, Quezon City, muling nagsama-sama ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd […]
-
3 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela
PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Distura Jr sa matagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong most wanted persons sa loob lamang ng isang araw. Ani Col. Destura, alinsunod sa kampanya […]