• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 drug suspects nalambat ng Malabon police sa buy bust

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Joana Pabito, 48, Angelito Pabito alyas “Bugoy”, 48 at Raquel Pelijates, 52, pawang residente ng Brgy. Longos.

 

 

Sa report ni Col. Daro kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Alexander Dela Cruz ng planned buy-bust operation sa Alupihang Dagat Brgy. Longos matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.

 

 

Matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 16.45 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P111, 860.00, buy bust money, cellphone at coin purse.

 

 

Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale)  in relation to Section 26 (Conspiracy) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Art II of RA 9165 (Otherwise Known as Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • CCTV SA TRANSPO VS KRIMEN

    ISINUSULONG ang paglalagay ng dashboard camera, closed circuit television (CCTV) at global positioning system (GPS) sa lahat ng pampublikong transportasyon.   Bagama’t, may iba na boluntaryo nang nagkabit nito, marami pa rin ang wala. Unang-una ay ang paniwalang dagdag-gastos lang ito.   Pero, kapag nakalusot na ang nasabing panukalang-batas, hindi na papayagang bumiyahe ang public […]

  • Duterte infomercial: ‘Bakuna lang ang panlaban sa COVID-19 pandemic, kaya magpabakuna na tayong lahat’

    Patuloy na hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taongbayan na magpabakuna na.     Sa “Resbakuna Kasangga ng Bida” campaign ng Department of Health (DOH), binigyang-diin ni Pangulong Duterte na ang bakuna lamang ang tanging paraan para malabanan ang COVID-19 pandemic.   Iginiit ni Pangulong Duterte sa nasabing infomercial na dapat tandaan na ang bakuna […]

  • TOROTOT AT PITO, PINAPAIWAS SA BAGONG TAON

    HINDI pinapayo ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng “torotot” o kahit ang “pito” (whistle) sa pagsalubong ng Bagong Taon. Sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje sa virtual launching ng Tuloy ang Paskong Pinoy 2020:Iwas Paputok Campaign,” mas mainam na umiwas sa SKERI at doon tayo sa KERI na mga paraan. Ayon kay Cabotaje, […]