TOROTOT AT PITO, PINAPAIWAS SA BAGONG TAON
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI pinapayo ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng “torotot” o kahit ang “pito” (whistle) sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje sa virtual launching ng Tuloy ang Paskong Pinoy 2020:Iwas Paputok Campaign,” mas mainam na umiwas sa SKERI at doon tayo sa KERI na mga paraan.
Ayon kay Cabotaje, ito ay upang maging ligtas ang pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon kaya naman naglabas ng mga alternatibong paraan para sa nasabing mga pagdiriwang.
Isa ang torotot o pito sa hindi pinapahintulotan ng DOH sa kanilang kampanya sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sinabi ni Cabotaje na dapat naka-face mask pa rin ang mga tao kahit nagme-merry making o nagsasaya sa Pasko at Bagong Taon.
Paliwanag ng opisyal, ang paggamit aniya ng torotot o pito mula sa bibig ay maaring magbuga ng droplets na posibleng magdulot naman ng pagkalat ng Covid-19.
Sa halip, mayroon silang “Pitong Patok na Alternatibo sa Paputok” ngayong holiday season.
Ang mga ito ay binuo nang may kunsiderasyon sa COVID-19 pandemic. Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Pagpukpok sa kaldero
– Pagpalo sa tambol
– Pagbusina
– Pag-alog ng alkansya
– Pagkumpas ng tambourine
– Pagpapatugtog ng malakas
– Pagpapa-ilaw ng glow sticks
Nilinaw naman ng DOH na ang mga lokal na pamahalaan ay maaari pa namang magkaroon ng community fireworks display sa designated area na hindi makakaapekto naman sa kalusogan ng mga tao.
Gayunman, depende aniya ito sa estado ng community quarantine status sa kani-kanilang mga lugar, at dapat matiyak na masusunod ang minimum health standards laban sa COVID-19. (GENE ADSUARA)
-
Katotohanan sa ABS-CBN franchise issue, hirit ni Duterte – Palasyo
MAGMAMASID ang Malacañang sa magiging takbo ng gagawing imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN franchise renewal sa Lunes. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na papanoorin ng Palasyo ang gagawing pagbusisi ng mga senador sa prangkisa ng nabanggit na TV network pati na kung ano ang gustong gawin ng mga senador. Ayon kay […]
-
108 lugar sa bansa nasa ilalim ng state of calamity
UMAABOT na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of calamity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat. Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos […]
-
Emosyonal sa pagtatapos ng termino bilang Congressman: ALFRED, tuloy-tuloy ang paglilingkod sa QC bilang isang Councilor
TULOY-TULOY lang ang pagsi-serve ng actor-public servant na si Alfred Vargas kahit tapos na ang termino niya bilang Congressman ng QC. Pinost ni Alfred ang kanyang panunumpa sa bagong posiston bilang Konsehal. Caption niya, “Public service is a call we’d gladly and honorably answer any time. “Tuloy tayo sa paglilingkod […]