• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Requests, proposals ng Estados Unidos ukol sa EDCA, kasalukuyang sinusuring mabuti-PBBM

NIREREPASO ngayong mabuti ng Malakanyang ang “requests at proposals” ng Estados Unidos  kaugnay sa  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

 

 

Binanggit ito ng Chief Executive sa isang event sa Quezon City nang tanungin ukol sa nirerepasong Mutual Defense Treaty,  isang 70-year-old accord na nag-aatas sa Estados  Unidos na idepensa ang Pilipinas mula sa anumang pagsalakay.

 

 

“Well, the Mutual Defense Treaty is continuously under negotiation and under evolution. I always call it… it’s an evolution because things are changing. The request — there have been many requests and proposals from the Americans, especially under EDCA,” ayon kay Pangulong  Marcos.

 

 

“So all of that is under study now to see what is really feasible and what will be the most useful for the defense of Philippine territory,” dagdag na wika nito sabay sabing  “By early next year, we will have something more concrete to tell you.”

 

 

Taong 2014 nang tintahan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

 

 

Mas madali nang makapapasok ang US military sa bansa matapos lagdaan ang 10-taong kasunduan, na pinaniniwalaang pangontra sa panghihimasok ng Chinese forces sa West Philippine Sea.

 

 

Pinangunahan ni dating  Defense Secretary Voltaire Gazmin at U S Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang paglagda sa kasunduan sa Camp Aguinaldo, Quezon City higit tatlong oras bago ang pagdating ni Obama sa Ninoy Aquino International Airport bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa iba’t ibang bansa sa Asia.

 

 

Sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, makapapasok ang puwersa ng Amerika sa piling kampo ng Armed Forces of the Philippines kung saan maaring ipuwesto ang mga fighter jet at barko de giyera nito.

 

 

Batay sa kasunduan, madadagdagan ang training opportunities ng dalawang panig, masusuportahan din ang modernization ng AFP at matutulungan itong matutukan ang maritime security, domain awareness at maging ayuda sa disaster relief capabilities ng bansa.

 

 

Base pa rin sa kasunduan, ang pananatili ng puwersa ng Amerika sa Pilipinas ay temporary at rotational basis. (Daris Jose)

Other News
  • Experience ‘Secret Level’ on Prime Video, an exciting animated anthology celebrating video games; drops official trailer

    Prime Video has unveiled the official trailer for its highly anticipated adult-animated anthology series, Secret Level. Produced by Amazon MGM Studios and Blur Studio, the series delivers captivating original stories inspired by some of the most beloved video games.       Premiering exclusively on Prime Video on December 10, Secret Level will be available […]

  • 7 INDIBIDWAL , HULI SA QUARRYING

    ARESTADO  ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong indibidwal na iniulat na sangkot sa illegal quarrying operations sa Barangay San Isidro sa Angono, Rizal.     Kinilala ng NBI ang mga naaresto na sina  Bonbon E. Camanian, Marcial R. Bustamante, Jomar T. Marigondon, Ricky B. Buenaventura, Rustian S. Villamora, Richard S. Evangelista, at Rodel […]

  • Bagong LTO chief tutukan ang license plate backlog

    ANG BAGONG talagang chief ng Land Transportation Office (LTO) ay nangako na tutukan ang backlog ng mga license plates sa harap ng mga opisyales at empleyado ng ahensiya noong nakaraang Lunes. “The license plate backlog and the issue of funding are an unending cycle of problems in the LTO. We will do a thorough review […]