2 wanted persons, timbog sa Valenzuela
- Published on December 2, 2022
- by @peoplesbalita
DALAWANG lalaki na listed bilang most wanted persons ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., kumuha ng National Police Clearance si Ralph Joseph Alejandrino, 35 ng Brgy., Balangkas sa Valenzuela City Police Station sa Mc-Arthur Highway, Brgy. Karuhatan subalit, nang i-verify ay nadiskubreng mayroon siyang nakabinbing warrant of arrest.
Alinsunod aniya sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, isinilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista, kasama ang 5th MFC, RMFB, NCRPO isang warrant of arrest na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alejandrino alas-11:30 ng umaga.
Ani PLt Bautista, si Alejandrino ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Paulino Quitoras Gallegos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 47, Manila City para sa paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 as amended by R.A. 8424 (6 counts).
Dakong alas-2:30 naman ng hapon nang maaresto din ng kabilang team ng WSS at ang mga tauhan ng 5th MFC, RMFB, NCRPO sa manhunt operation sa A. Pablo St., Barangay Karuhatan ang isa pang most wanted na kinilala bilang si Farjohn Paterno, 23 ng Brgy. Ugong.
Si Paterno ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Oven Kuan Ontalan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 285, Valenzuela City para sa paglabag sa Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drugs) of Art. II of R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela police sa pamumuno ni Col. Destura dahil sa masigasig na kampanya nito kontra wanted persons. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Pagbabasbas at inagurasyon ng greenhouse facility sa NavotaAs Homes I – Brgy. Tanza 2
PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Department of the Interior and Local Government Undersecretary Marlo Iringan at National Capital Region Assistant Regional Director Ana Lyn Baltazar-Cortez, ang pagbabasbas at inagurasyon ng greenhouse facility sa NavotaAs Homes I – Brgy. Tanza 2 na karagdagan pagkukunan ng sariwa at organic na ani ng gulay ng […]
-
Susuportahan ni ex-Pres. Duterte ‘pag nag-senador… Update sa ‘Vagabond 2’ ni LEE SEUNG GI, inaabangan mula kay Manong CHAVIT
ANO na kaya ang latest update sa sequel ng ‘Vagabond’, ang action thriller K-drama na pinagbidahan nina Bae Suzy at Lee Seung Gi na pinalabas noong September 20 hanggang November 23, 2019? Naibalita last April na ang ‘Vagabond Season 2’ ay nakatakdang mag-shoot sa bansa natin, na kung saan sinasabing muling […]
-
Spoelstra gagawing consultant ng Gilas
TARGET ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makuha ang serbisyo ni NBA champion coach Erik Spoelstra ng Miami Heat upang maging consultant ng Gilas Pilipinas. Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagsabak nito sa FIBA World Cup sa susunod na taon na magkakatuwang na iho-host ng Pilipinas, Japan at Indonesia. Kaya […]