• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa pag-viral sa sinagot sa ‘Family Feud’: MAVY, hindi pikon at sinakyan na lang ang pagkakamali

NILINAW ni Buboy Villar ang tungkol sa closeness nila ni Jelai Andres na inaakala ng marami na may malalim na silang relasyon.
Malapit lang daw talaga si Buboy sa mga babae na tinuturing niyang katropa dahil magkasama sila sa trabaho tulad rin nila Faith da Silva sa ‘All Out Sunday’ at Lexi Gonzales sa ‘Running Man Philippines.’
“Nakakatuwa kasi, kumbaga ako ‘yung nandito ngayon, ang gaganda nga ng mga ka-love team ko eh. Actually meron pa pong Faith da Silva, meron pa pong Lexi Gonzales. Ang dami po nila, eh. Pero para po sa akin, isa-isa lang, tama lang. Chill lang, chill lang, at maging happy tayo dahil meron tayong work,” tawa pa ni Buboy.

Si Jelai daw kasi ay parating nakaka-collab ni Buboy sa pagba-vlog. Kaya special friends lang daw talaga sila at wala nang iba pa.

“Si Jelai kasi, sobrang special talaga ni Jelai, sobrang siya na ‘yung ka-lokohan ko, pero walang make love po, hindi kaya. But a special friend talaga sa akin at ready ako at andito lang ako para sa kanya,” ngiti pa ni Buboy.

Kapwa single naman sina Buboy at Jelai. Matagal nang hiwalay si Buboy sa partner niya at ina ng dalawang anak na si Angillyn Gorens. Si Jelai naman ay hiwalay na sa mister niyang si Jon Gutierrez a.k.a. King Badger.

Kaya wala naman sigurong masama kung aminin nila na nagde-date sila dahil cute naman tingnan sina Buboy at Jelai na magkasama.

***

MABUTI na lang at hindi pikon si Mavy Legaspi dahil sa pag-viral ng sagot niya na “hotdog” sa isang tanong sa kanya sa ‘Family Feud.’

Si Mavy pa mismo nagkuwento via Twitter na habang naglalakad siya sa mall, may isang fan ang biniro siya dahil sa nag-viral na sagot niya sa Family Feud.

Tweet ni Mavy: “Was walking around the mall and then someone said… “MAVY, 1+1?”

Imbes kasi na sumagot ng Magellan o 11, sumagot si Mavy ng “hotdog.” Kaya nag-viral ito dahil parang clueless si Mavy sa kanyang sinagot.

Good sport naman si Mavy at nag-tweet pa ito after na mag-viral ang sagot niya: “feeling ko lang proud na proud mga magulang ko. maliit na bagay! ako lang toh…”

Ikinatuwa naman ng parents ni Mavy na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ang pagiging sport ni Mavy. Pinalaki naman daw nila ito na hindi pikon at pagtawanan na lang ang anumang pagkakamaling nagawa.

(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Suplay ng COVID-19 vaccine, hindi malayong kapusin sa first at second quarter ng taon –Galvez

    HINDI malayong kapusin ang Pilipinas sa suplay ng COVID-19 vaccine sa first at second quarter ng taon dahil karamihan sa western vaccines ay ginagamit ng Europa at and the United States.   Gayunman, kumpiyansa si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng bakuna para ngayong taon para […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, PHO-PH, naglunsad ng pinagsanib na inisyatiba laban sa banta ng HPV sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng patuloy na pangako ni Gob. Daniel R. Fernando sa kalusugan at kagalingan ng publiko, nagdaos ang Department of Health kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office – Public Health ng Bulacan HPV Vaccination Launching sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa […]

  • Ads October 1, 2022