• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, itinalaga sina Evasco at Jacinto sa bagong posisyon

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay  Leoncio Badilla Evasco Jr. bilang  Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes, na may ranggo na Kalihim, noong Nobyembre  24, 2020. 

 

Si PA Evasco ay hindi na bago sa  Duterte Administration dahil nagsilbi siya bilang Cabinet Secretary sa mga unang taon ng kasalukuyang administrasyon.

 

Ang pagiging pamilyar nito sa kasalukuyang burukrasya  ay makapag-aambag  sa kanyang bagong gawain na i- streamline ang  government processes sa Ehekutibo.

 

“Welcomer back, PA Evasco,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Samantala, kinumpirma rin ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong  Duterte kay  Ramon Pereyra Jacinto bilang  Presidential Adviser for Telecommunications, na may ranggo na Kalihim noong Nobyembre  25, 2020.

 

Si PA Jacinto ay nagsilbi sa  Duterte Administration sa iba’t ibang kapasidad.

 

Siya ay naging dating  Presidential Adviser on Economic Affairs and Information Technology at pagkatapos at naging Undersecretary ng  Department of information and Communications Technology.

 

“We are therefore confident that PA Jacinto would ably and effectively discharge his duties in this new assignment,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Bulkang Taal nag-alboroto, alert level 3 itinaas

    ITINAAS na sa Alert level 3 ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas dahil sa patuloy na pag-aalboroto.     Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagbuga ang bulkan ng plumes na 1500 metro na may kasamang volcanic earthquake at infrasound signals.     Sa tala ng Taal Volcano Network, nagkaroon din […]

  • 18 sa 20 LEDAC bills aprub na sa Kamara

    INIULAT ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naaprubahan na ng Kamara ang 18 sa 20 panukala na prayoridad na maipasa ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).     Ayon kay Romualdez, mas maaga ng tatlong buwan sa deadline natapos ng Kamara ang mga panukala na tinukoy na bibigyang prayoridad na maisabatas sa pagpupulong ng […]

  • PBBM, dumating na sa Melbourne para sa ASEAN-Australia Special Summit

    DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Melbourne, Australia para sa ASEAN-Australia Special Summit.     Mainit na sinalubong ng mga Australian government officials si Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang Philippine delegates.     Lumapag ang PR 001 na sinakyan ng Pangulo at ng kanyang entourage sa Melbourne […]