• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, kinilala bilang Top Government Employer ng Pag-IBIG Fund

LUNGSOD NG MALOLOS – Kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando bilang isa sa ‘Top Government Employer’ sa buong Hilagang Luzon sa ginanap na 1st Virtual Stakeholders Accomplishment Report (StAR) Awards sa pamamagitan ng isang online convention noong Biyernes, Nobyembre 27, 2020.

 

Itinampok sa online event ang kontribusyon ng kanilang mga stakeholder sa taong 2019 at ipinakita ang mga ulat ng matatag na estado ng Pag-IBIG Fund nitong taon sa iba’t ibang lugar sa bansa sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng pandemya.

 

Ayon kay Provincial Administrator Eugenio Payongayong, kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mahalaga nitong kontribusyon sa patuloy na tagumpay ng Fund na naging dahilan upang makamit nila ang pinaka mataas na rekord sa taong 2019, na sa ngayon ay nagsilbing pinakamahusay na taon para sa kanila; at para sa pagiging isa sa pinakamahusay na employer sa sektor ng gobyerno kasama ang Pamahalaang Panlungsod ng Mabalacat at Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga.

 

Sinabi ni Fernando na nagsusumikap ang Pamahalaang Panlalawigan upang makasunod at makabayad ng kontribusyon sa tamang oras at sinigurado na ang pamahalaan ay magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga programa na makatutulong sa pagpapabuti ng mga pagganap nito.

 

“Nagsusumikap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang maka-comply sa pagbibigay ng ating mga kontribusyon nang naaayon. Atin pong ipagpapatuloy ang mga magagandang hakbangin nang sa gayon ay maging maayos ang ating pagganap sa Pag-IBIG Fund,” anang gobernador.

 

Bukod sa top employers, kinilala din ng Pag-IBIG Fund ang mga stakeholder sa mga kategoryang collection agencies, developers at mga stakeholder na may espesyal na parangal sa Hilagang Luzon, Timog Luzon, Visayas, Mindanao at NCR.

 

Kinilala rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan bilang top employer sa sektor ng gobyerno noong nakaraang taon kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at Pampanga. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Gilas Pilipinas at South Korea may laro bago ang FIBA Asia Cup

    NAKATAKDANG  makaharap ng Gilas Pilipinas ang South Korea sa buwan ng Hunyo.     Ayon sa South Korea website na Jumpball , na isasagawa ang “evaluation match” mula Hunyo 17-18 sa Anyang City.     Itinuturing ng South Korea ang nasabing laro ay makakatulong par asa evaluation ng kanilang manlalaro bago ang FIBA Asia Cup […]

  • ‘Red alert’ sa suplay ng kuryente asahan – DOE

    Inaasahan na magkakaroon ng “red alert” o manipis na supply ng kuryente sa susunod na linggo.     Ito ang sinabi ni Director Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ni Sen. Win Gatchalian.     Paliwanag ni Marasigan, inaasahan ang […]

  • Ex-DOH secretaries, doctors umapela kay Pres. Duterte na ‘wag harangan ang Senate probe

    Nagsama-sama ang daan daang mga doktor maging ang ilang dating mga Health secretaries upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Durterte na sana ay ‘wag harangin ang ginagawang imbestigasyon ng mga senador sa umano’y anomalya sa paggamit ng COVID-19 response.     Naglabas ng statement ang Philippine College of Physicians (PCP), na pinirmahan ng maging dating mga […]