• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 2.5-M katao nanood sa mga group stages ng FIFA World Cup

Nasa mahigit 2.45 milyon katao ang dumalo at nanood sa unang 48 na laro ng FIFA World Cup 2022 sa Qatar.

 

 

Ang nasabing bilang ay mas mataas noong 2018 World Cup na ginanap sa Russia para sa mga group stages.

 

 

Ayon sa FIFA na sa lahat ng mga laro sa group matches ay naitala ang maraming nanood sa laban ng Argentina at Mexico sa Lusail Stadium na dinaluhan ng 88,996 katao.

 

 

Sa kasalukuyan ay nanguna ang Saudi Arabia sa listahan ng may pinakamaraming bisita na aabot sa 77,000 na sinundan ito ng India na mayroong mahigit 56,000.

 

 

Magugunitang bago ang pagsisimula ng torneo ay inihayag na ng Qatar na inaasahan na nila na ilang milyong katao ang dadalo para makapanood ng live sa mga laro. (CARD)

Other News
  • Sa one-on-one interview niya kay Korina: IZA, may mga isiniwalat sa ina at tungkol sa kanila ni BEN

    PUNUM-PUNO ng juicy revelations ang award-winning dramatic actress na si Iza Calzado sa kanyang one-on-one kay veteran broadcast journalist Korina Sanchez-Roxas sa ‘Korina Interviews’ na pinalabas last Sunday, December 3 sa NET 25, na puwedeng balik-balikan sa kanilang YouTube.   Isa nga sa napag-usapan nina Korina at Iza, ang tungkol sa kanyang ina na noong […]

  • PNP nagbabala sa publiko laban sa crypto investment scam

    NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa mga naglipanang crypto investment scam.     Ito’y kasunod sa pag-release ng government and private companies ang bonuses at 13th month pay ng mga empleyado.     Ayon sa PNP, pinaigting na ng ilang mga indibidwal at maging ng ilang grupo ang kanilang modus […]

  • Mga Pinoy, hindi puwedeng maging choosy sa bakunang ituturok sa kanila laban sa Covid-19

    HINDI maaaring makapamili ang mga mamamayang Filipino o maging choosy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang makukuha nila mula sa pamahalaan.   Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang mga bakunang inaprubahan ng drug regulator ay ” all potent, they are all effective.”   “There will be no discrimination at saka hindi kayo makapili […]