• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utos ng COA sa SEC, i-refund ang mahigit sa ₱92.7M na ‘irregular salaries’

IPINAG-UTOS ng Commission on Audit (COA) sa  Securities and Exchange Commission  na i-refund ang mahigit sa ₱92.7 milyong piso na ipinasahod sa mga opisyal at empleyado na natuklasang ‘irregular.’

 

 

Binasura ng COA ang  motion for reconsideration na inihain ng SEC at dating chairperson nito na si  Atty. Theresa Herbosa.

 

 

Pinagtibay ng COA “with finality” ang notice of disallowance na una nang ipinalabas noong 2014.

 

 

“The arguments presented by the SEC and Atty. Herbosa were a mere rehash of the arguments raised in their Petition for Review, which were already judiciously passed upon by this Commission in the assailed decision,” ayon sa COA sa kanilang January 2022 decision na ipinalabas  sa media, araw ng Lunes.

 

 

Pinuna ng state auditors  ang SEC dahil sa  “over salary increases” na ibinigay sa  mga opisyal at empleyado noong 2012 nang walang approval ng  Office of the President (OP).

 

 

Hinggil naman sa liability o pananagutan, sinabi ng COA na ang lahat ng public officials na responsable para sa illegal expenditures at maging iyong mga aktuwal na nakatanggap ng halaga ay sakop o kasama sa refund.

 

 

“The Commission on Audit is not persuaded on the invocation of good faith on the part of Atty. Herbosa and other approving/authorizing/certifying SEC officials,” ang nakasaad sa desisyon. (Daris Jose)

Other News
  • WATCH THE NEW INTERNATIONAL TRAILER OF “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”/THE TREASURE HUNT IS ON IN THE FIRST TRAILER OF “UNCHARTED”

    UNCOVER the past. Protect the future. Watch the new international trailer of Columbia Pictures’ Ghostbusters: Afterlife, exclusively in Philippine cinemas soon.      YouTube: https://youtu.be/vstFiU4r-Cc     And in case you missed it, watch what went down at the recent New York Comic Con during the Ghostbusters: Afterlife panel.     Check out the sizzle reel and photos below.     […]

  • Mga Navoteñong nasunugan, nakatanggap ng tulong na tig-P10K mula kay Sen. Go at NHA

    NAKATANGGAP ng tulong pinansiyal na tig-P10,000 mula sa National Housing Authority (NHA) at kay Senador Bong Go ang nasa 1,328 pamilyang Navoteñong nasunugan sa isinagawang aktibidad sa Navotas Sports Complex, kamakailan. Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita G. Panopio ang pamamahagi ng tulong pinansiyal […]

  • Pagtatalo ng China at Pinas sa WPS: Bilateral consultation, friendly communication, kailangan

    SINABI ng China na ang pagtatalo nila ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea ay mangangailangan ng “bilateral consultation and friendly communication.”       “We are two neighbors who have some differences, but what is crucial is the way and manner we handle the differences. We need to manage our differences with bilateral […]