Wala nang “for later release” o FLR sa 2023 National Budget
- Published on December 7, 2022
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni House Speaker Martin Romualdez, na mismong si Budget Secretary Amenah Pangandaman ang nagsabi na wala ng FLRs sa susunod na taon.
Kasunod ito ng pag-ratipika ng Kamara sa panukalamg pambansang pondo para sa susunod na taon.
Matatandaan na marami sa mga mambabatas ang kumuwestiyon sa FLR na ipinatupad sa ilalim ng 2021 at 2022 budget.
Sa kabila kasi ng inaprubahang budget ay naiipit ang pondo para sana sa mahahalagang programa, dahil kinakailangan pa ng approval ng presidente para sa paglalabas ng pondo.
Ipinatupad ito ng nakaraamg dalawang budget cycle upang tiyakin ang tamang budget programming at management lalo na at nahaharap sa pandemya ang Pilipinas. (Ara Romero)
-
Crime volume sa bansa, bumaba ng 47%
IBINALITA ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na bumaba ng 47% ang crime volume sa bansa sa loob ng unang anim na buwan kung saan ang bansa ay isinailalim sa lockdown dahil sa coronavirus pandemic. Pinagbasehan ni Año ang data mula sa Philippine National Police (PNP). Sa nasabing data,16,879 ang napaulat […]
-
Ads January 19, 2023
-
Duterte pinasasampahan na ng crimes against humanity, murder sa EJK ng drug
HINIKAYAT ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro ang House Quad Committee na irekomenda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y paglabag sa international humanitarian law at kasong murder sa pagkamatay ng libu-libong mga Pilipino sa madugong drug war ng administrasyon nito. Batay sa data mula […]