Crime volume sa bansa, bumaba ng 47%
- Published on September 23, 2020
- by @peoplesbalita
IBINALITA ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na bumaba ng 47% ang crime volume sa bansa sa loob ng unang anim na buwan kung saan ang bansa ay isinailalim sa lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Pinagbasehan ni Año ang data mula sa Philippine National Police (PNP).
Sa nasabing data,16,879 ang napaulat na insidente ng krimen mula Marso 17 hanggang sa kasalukuyan.
“This is almost half of the crime incidents logged six months before the lockdown, or from September 2019 to the earlier half of March 2020, where 31,1661 incidents were reported.
From 172 cases a day to 92 cases per day,” ayon kay Año sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.
Aniya pa, bumaba rin ng 61% ang insidente ng nakawan habang ang nakawan naman ng sasakyan ay bumaba ng 66% at 61% naman ang ibinaba ng nakawan ng motorsiklo.
Bumaba rin daw ang kaso ng pagpatay ng 22%, habang bumaba naman ng 24% ang kaso ng panggagahasa o panghahalay.
Sinabi pa ng Kalihim na ang pagbaba ng insidente ng krimen ay dahil na rin sa police visibility at maayos na koordinasyon sa local government units. (Daris Jose)
-
CIARA, pabiro at ‘di rin naiwasang mag-post ng nagti-trending na brand ng paracetamol
PATI si Ciara Sotto sa pagpu-post tungkol sa nagti-trending na biogesic at paracetamol. Nag-post si Ciara sa kanyang Facebook account ng status na, “Walang sinabi yung Biogesic pag ako yung nag-ingat sayo!” At saka niya sinundan ng mga laugh, peace emoji at mga hashtags na “charot” at “joke lang po.” […]
-
Bayanihan e-Konsulta ilulunsad muli ni ex-VP Robredo; mahigit 1,000 volunteers sumali na
MULING magbabalik ang Bayanihan e-Konsulta na sinimulan ni former Vice President Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-government organization na Angat Buhay NGO. Ang Bayanihan e-Konsulta, na inilunsad ni Robredo bilang responde sa paglala ng pandemiya sa bansa, ay isang telecommunication medical service na nagbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga pasyente […]
-
Bagong Pilipinas mobile clinics, gagamitin sa mga isolated areas -PBBM
MAGDADALA ng 28 state-of-the-art Bagong Pilipinas mobile clinics ng agaran at high-quality healthcare services sa geographically isolated at disadvantaged areas (GIDAs) sa buong bansa. Sa katunayan, pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang turnover ceremony ng 28 Bagong Pilipinas mobile clinics sa Manila North Harbor Port sa […]